Kawawang Shopee rider ninakawan ng delivery bag sa Payatas, QC

Imahe mula sa Facebook ni Mary Grace Campos Cancio
  • Nanakawan ng delivery bag ang isang Shopee rider nitong Sabado
  • Nangyari umano ang insidente sa Payatas, Quezon City
  • Naawa ang mga netizens sa rider at umaasang mahuhuli kaagad ang nasa likod ng pagnanakaw

Mahirap at hind biro ang trabaho ng isang delivery rider sapagkat buwis-buhay itong maituturing dahil na rin sa panganib sa kalsada bukod pa sa laging nakabilad sa init ng araw at minsan ay nababasa pa ng ulan.

Kaya nakapanghihina ng loob para sa isang rider ang manakawan ng mga items na iyong idedeliver lalo pa’t hindi mo alam kung gaano kalaki ang halaga ng mga orders na dala mo.

Tulad na lamang ng nangyari sa isang Shopee delivery rider na diumano’y nanakawan ng kaniyang bag sa Quezon City nito lamang Sabado, Disyembre 12.

Imahe mula sa Facebook ni Mary Grace Campos Cancio

Ayon sa ibinahagi sa Facebook ng netizen na si Mary Grace Campos Cancio, may kumuha ng delivery bag ni kuyang rider sa may bandang Mutya St., Payatas B sa Quezon City.

“Hanggang ngayon po hindi pa po nahahanap yung taong kumuha, kung may nakita po kayong taong may bitbit nung Delivery Bag pakibigay alam po sa barangay kasi natataranta na po siya,” pakiusap pa ng netizen sa social media.

Kaagad namang umani ng simpatiya mula sa mga social media users ang nangyari sa kawawang rider.

“Kawawa nman ung rider, alam ko yung hirap ng mga rider kase rider din ako. sana mahanap na yung bag niya at yung sa kumuha pakitapon sa ilog para di pamarisan,” ayon sa isang nagkomento.

“Tanggal na sa trabaho magbabayad pa ng mga nawalang parcel, kaya kayo, mga buyer, pag sinabing dito na lang po tayo magkita eh lumabas na kayo wag ng pabebe,” dagdag naman ng isa pa.

Kinondena rin ng ilang netizens kung sinuman ang nasa likod ng pagnanakaw.

Screenshot mula sa Facebook post ni Mary Grace Campos Cancio

“Ang daming manloloko ngayon kelan lang naloko din ako ng kunyari buyer abono din ako sana Sa lahat ng manloloko at Mapanlamang sa kapwa Karma talaga sa inyo!! Wag lang sana tamaan pati pamilya nila,” galit na komento ng isa.

Tugon din ng isang commenter, “Nadudurog ang puso ko pag ganito delivery man lang po sila, hindi po sa kanila yan jusko. Napakadaming demonyo sa mundong ito. Naghahanap buhay nang maayos yung tao para sa pamilya nila, tapos nanakawan lang ng mga ayaw magtrabaho dahil gusto easy money lang.”

Ilang Facebook users din ang nagbahagi ng pangalan at larawan ng pinaniniwalaang magnanakaw subalit wala pa namang sapat na katibayan para mapatunayan ito.

Dahil dito, umaapela ang mga netizen sa nakakita sa pangyayari na ipagbigay-alam agad sa barangay ang anumang impormasyon kaugnay ng insidente.

Source :

Facebook

Loading…