Kaya mo bang magpadala ng ‘resignation cake’ kay boss?

Imahe mula sa Facebook | Sugarific Cakes
  • Kinaaliwan ng netizens ang minimalist cake na gawa ng isang shop dahil sa mensahe nito
  • Ang cake na ito para sa kaniyang boss ay nagsasaad na magreresign na siya
  • Inulan ito ng samu’t saring komento mula sa netizens na nagbiruang ganoon na ang makabagong paraan ng pag-alis sa trabaho kaya naman ganito ang kanilang gagawin

Usong-uso ngayon ang mga minimalist cake na naglalaman ng witty messages para sa mga mahal sa buhay na nagdiriwang ng mahalagang okasyon kagaya ng kaarawan o anibersaryo. Madalas na makikita ang mga ito sa social media dahil sa nakatatawang mensahe ng mga ito.

Imahe mula sa Facebook | Sugarific Cakes

Ngunit kakaiba ang mensahe ng minimalist cake ng shop na Sugarific Cakes kaya naman nakatawag ito ng pansin ng mga netizen.

Nakalagay sa kulay pink na lunchbox cake na kanilang iniupload ang mensaheng “Sir, magreresign na po ako.” Kalakip din nito ang isang puso. “‘Yong ganito ka katapang,” saad pa sa caption ng post na ngayon ay mayroon nang 11k reactions at 6.1k shares.

Inulan din ito ng mga komento mula sa netizens na pabirong nagpaplano na rin kung paano sasabihin sa kanilang boss ang kanilang resignation. “Kung puwede lang, magpapadala talaga ako ng ganito kay Boss…Kung may ipon lang at kung walang COVID,” ani T. Jade.

Imahe mula sa Facebook | Sugarific Cakes

Samantala, si Ian E. naman ay matagal na raw nag-iisip ng paraan kung paano aalis sa kaniyang pinagtatrabahuhan. “Been thinking of the sweetest way of leaving,” aniya.

“‘Di na uso ang resignation letter to explain everything,” sabi naman ni Shirley.

Ang ilang netizen ay naglakas-loob pang i-tag ang kanilang boss at sabihing ganito ang kanilang gagawin sakaling mag-resign na sila mula sa kompanya. “Bibigyan po kita ng ganiyan kapag ako’y aalis na,” sabi ni M. Dangue sabay tag sa kaniyang boss.

Kakayanin mo bang mag-abot ng ganitong cake sa iyong boss upang ipaalam ang iyong pag-alis?

 

Source :

Facebook

Loading…