Kidlat Tahimik nagpositibo sa COVID; inaming may pagkukulang sa pagsuot ng face mask

Imahe mula sa Prince Claus Fund
  • Nagpositibo sa COVID-19 si National Artist for Film Kidlat Tahimik
  • Naging aktibo kasi siya sa ginanap na Ibagiw Festival sa Baguio City kamakailan
  • Bilang isang National Artist, kailangan daw niyang ipaalam ang kaniyan tunay na kalagayan

Nagpositibo sa coronavirus ang National Artist for Film na si Kidlat Tahimik matapos ang pagiging aktibo sa ginanap na Ibagiw Festival noong nakaraang buwan.

Sa kaniyang salaysay na ibinahagi sa Facebook page ng Baguio Chronicle, ibinahagi ni Kidlat Tahimik (Eric de Guia sa totoong buhay) na nagpositibo siya sa virus noong Disyembre 11 matapos sumailalim sa routine swab test sa Baguio Convention Center.

Imahe mula sa NCCA

Sa kasalukuyan ay nakaself-imposed quarantine na umano siya at inaasikaso ng mga medical personnel para imonitor ang kaniyang kalagayan.

Bilang isang National Artist, kailangan niya umanong ideklara ang tunay na estado ng kaniyang kalusugan.

“As a National Artist active during IBAGIW, I feel obliged to openly declare my case. For any of you who might have been exposed to my presence during the festival, please take precautions and monitor your health,” ani Kidlat.

Dahil nga aktibo siya sa nagdaang festival, marami siyang nakasalamuhang mga bisita sa lungsod at maaaring dito niya umano nakuha ang virus. Halos araw-araw daw kasi ay nasa convention center siya para asikasuhin ang mga exhibit.

Imahe mula sa dafilms.com

Marami din daw ang nagpakuha ng selfie sa kaniya at minsan ay hindi na siya nakapagsusuot ng face mask.

“Regretfully, I may have had lapses in face-mask security—posing for a selfie sans mask. Inadvertently I might have exposed my self to the coronavirus. In turn, this would be of concern for those of you who were exposed to me,” wika pa ng premyadong direktor.

Mabuti na lamang at ang mga taong nakasalamuha niya kamakailan ay nagnegatibo sa COVID tulad ng kaniyang anak, mga trabahador at iba pang artists.

“If you have not had any signs of fever or loss of appetite or fatigue, you need not worry. Please stay safe,” ayon pa kay Kidlat Tahimik.

Loading…