Kristine at Oyo Sotto magkaka-baby ulit

  • May baby #5 na sina Kristine at Oyo Sotto
  • Ibinahagi nila sa kani-kanilang social media posts ang larawan ng pregnancy test na may dalawang pulang guhit
  • Pareho nilang pinasalamatan ang Diyos sa “best Christmas gift” na matatanggap nila ngayong 2020

Ibinalita ng mag-asawang Kristine at Oyo Sotto na magkaka-baby number 5 na sila, bagay na naghatid naman ng good vibes at magandang balita para sa kanilang mga kaanak, kaibigan, at mga tagahanga.

Sa Instagram post ni Kristine, makikita ang larawan ng pregnancy test na kaniyang ginamit upang makumpirma ang kaniyang pagbubuntis. Mapapansin ang dalawang linyang pula na nangangahulugang “positibong resulta.” Para kay Kristine, maituturing daw itong napakagandang regalo para sa Pasko.

Imahe mula sa Instagram account ni Kristine Hermosa-Sotto

“Another answered prayer. Salamat God sa mga pahabol na sorpresa ngayong taon. Thank you Lord for sustaining us this entire year, pati rin sa mga nakaraang taon at sa buong buhay namin at ng mga anak namin. You are faithful God. kung wala ka, ‘di namin alam kung saan kami pupulutin,” saad ni Kristine.

Dagdag pa niya, “All glory to you God. Salamat sa pagmamahal mo sa amin. I LOVE YOU SO MUCH JESUS —
I love you Oyo, Kiel, Dre, Kaleb, Vin and Baby in my belly. Best Christmas and Anniversary gift from above.”

Sa Instagram post naman ni Oyo Sotto, makikita rin ang naturang larawan ng pregnancy test, na may caption ng pagpapasalamat din sa Diyos. Ito raw ang positibong resulta na mapapahiyaw ka sa tuwa, at hindi dahil sa COVID-19.

“Positive na mapapahiyaw ka sa tuwa! Grabe ka Lord! Salamat Lord, Jesus! Napaka-faithful mo kahit kailan. God is truly amazing. Ibang klase ang mga sorpresa mo. Best Christmas gift ever!” ayon naman kay Oyo.

Agad na nagpadala ng kani-kanilang mensahe ng pagbati ang mga kasamahan at kaibigan ng celebrity couple sa comment sections ng kanilang mga IG posts.

Imahe mula sa Instagram account ni Oyo Sotto

Si Oyo Sotto ay anak ni Vic Sotto. Unang nagkrus ang landas nina Oyo at Kristine noong 2004 dahil sa pelikulang “Enteng Kabisote” kung saan gumanap na “Faye” ang aktres, na kaniya namang ina sa kuwento. Nagpakasal sila noong Enero 2011.

Sa kabila ng pagkakaroon ng apat na anak (at ngayon nga ay maglilima na), namamangha pa rin ang mga tagahanga ni Kristine kung paano nito napananatili ang balingkitang katawan at napakagandang mukha, na tila hindi tumatanda.

Congratulations, Kristine at Oyo!

Loading…