Kumbinasyong 5-6-7-8-9-10 sa South African lotto na 20 ang jackpot winners, ‘luto’ raw?

Screenshot mula sa Ithuba Lottery video
  • Naniniwala ang maraming lotto bettors sa South Africa na may dayaang naganap sa December 1, 2020 draw
  • Ang sunud-sunod na numerong 5,6,7,8,9, 10 ang winning combination sa naturang lotto draw
  • Nanawagan ng imbestigasyon ang maraming lotto bettors na naniniwalang ‘luto’ ang naganap na draw

Ang sunud-sunod na numerong 5, 6, 7, 8, 9 at “Powerball” number 10 ang kombinasyong lumabas sa bola ng South African National Lottery noong Martes ng gabi, ika-1 ng Disyembre.

Imahe mula sa South African National Lottery

Dalawampung (20) masusuwerteng mananaya ang tumama ng jackpot at nanalo ng 5.7 million South African Rand bawat isa. Katumbas ito sa atin ng P17,861,018.40.  Pitumpu’t siyam naman ang nanalo ng 6,283 South African Rand matapos mahulaan ang limang numero maliban sa Power Ball.

“Congratulations to tonight’s 20 winners of PowerBall draw. These numbers may be unexpected but we see many players opt to play these sequences,” tweet ng South African National Lottery.

Maraming bettors ang naglabas ng saloobin sa social media dahil hindi makapaniwala na maraming jackpot winners sa kombinasyong malabong tayaan ng marami.

“Lotto exposing themselves that they are a scam.” 

“This is unbelievable. Who can bet these numbers?”

“20 people discussed this and shared that jackpot equally. Absolutely no way in hell that’s a coincidence.”

“We demand a re-draw.”

Screenshot ng South African National Lottery tweet

Imbestigasyon naman ang panawagan ng iba.

Ayon sa National Lotteries Commission (NLC) ng South Africa, ang ahensyang nagre-regulate ng lotteries, ang  paglabas ng anim na sunud-sunod na numero ay ngayon lang nangyari. Iniimbestigahan na umano nito ang naganap na draw.

Sinabi ni NLC spokesman Ndivhuho Mafela na agad iuulat ng komisyon ang resulta ng ginagawang imbestigasyon.

Imahe mula sa NLC
Source :

Facebook, YouTube

Loading…