Kundol maaaring gawing panghuli ng lobster at talangka

  • Humanga ang mga netizens sa isang lalaki
  • Makikita kasing gumawa siya ng lambat o panghuli ng mga lamang-dagat o ilog sa pamamagitan ng kundol
  • Ang kundol o winter melon ay isang uri ng gulay na gumagapang; tinatawag din itong wax gourd o kaya ay ash gourd

Ang kundol ay isa sa mga uri ng gulay na hindi gaanong kilala. Maaaring nababanggit ito sa awiting-bayang “Bahay Kubo” subalit kung tutuusin, isa ito sa masusustansiya at masarap gawing ulam na gulay. Ngunit alam mo bang maaari rin pala itong gawing panghuli ng mga lobsters at talangka?

Sa panahon ngayon, kailangan talaga ng diskarte upang mabuhay, lalo na at maraming naapektuhan sa pinansiyal na aspeto dahil sa pandemya. Maging malikhain lamang at gamitin ang mga likas na bagay sa paligid, na sa akala natin ay pagkain lamang ang silbi o pakinabang sa atin. Kagaya na lamang ng isang lalaki sa ibang bansa na naitampok noon sa “Good Times” kung saan ginawa niyang trap o lambat ang kundol upang makadiskarte ng kakainin.

Public Domain Image

Hinati niya ang kundol o winter melon sa magkabilang gilid nito. Nag-ukit siya ng tatlong hugis-bilog na butas sa katawan ng naturang gulay. Nilagyan niya ng colander o hugis-embudong net sa tatlong butas.

Pagkatapos, tinalian niya ang gilid ng colander gamit ang alambre upang hindi ito mahulog. Tinusukan niya ng patpat na yari sa kawayan ang magkabilang gilid ng kundol upang hindi makalabas ang mahuhuli niyang lamang dagat o ilog.

Iniwan niya ang naturang kundol sa may ilog. Maya-maya ay binalikan niya ito. Higit pa sa kaniyang inaakala ang kaniyang nahuli dahil puno ito ng mga talangka, isang uri ng maliliit na alimasag, at lobster o crayfish.

Dahil dito, ito na ang naging hanap-buhay niya. Kumikita siya nang malaki sa loob lamang ng isang araw. Ang dating pinagtatawanan, ngayon ay mayroon nang pinagkakakitaan.

Sa pagnanais na tumulong sa iba pa niyang mga kababaryo, nagpasya siyang turuang gumawa ang mga ito.

Public Domain Image

Kaya tatandaan, ano man ang iyong naiisip na gawin, huwag mong hayaang pigilan ka ng mga bibig na tumatawa. Ipagpatuloy mo basta’t wala kang inaapakan o inaagrabyadong kapwa.

Loading…