Kuya Wil na-wrong number, pero lalaking natawagan binigyan pa rin ng cash, tablet

Screenshot mula sa GMA News YT video
  • Nagkamali ng pindot ng numero si Kuya Wil sa telephone number na tinawagan niya sa ‘Tutok to Win’ kamakailan
  • Sa halip na babae ay isang lalaking taga-Marinduque ang sumagot sa kabilang linya
  • Sa kabila nito binigyan pa rin ni Willie ng premyo ang lalaki na P20,000 at isang tablet

Isang lalaki ang masuwerteng nabiyayaan ng premyo ni Willie Revillame sa programa nitong ‘Wowowin-Tutok to Win’ kamakailan dahil nagkamali ng numerong napindot ang comedian-host.

Dapat kasi ay isang babae na nagngangalang Ronilla Silvano sana ang ang tatawagan ni Kuya Wil kaya laking gulat ng huli nang isang lalaki na taga-Marinduque ang sumagot sa kabilang linya.

Screenshot mula sa GMA News YT video

Kaya pala ay nagkabaliktad ng numerong napindot ang Wowowin host nang tawagan niya ang sender ng text message na si Ronilla.

Natuwa naman ang lalaking si Juanito dahil nakausap niya si Kuya Wil at kahit umano wala siyang matanggap na premyo ay okay lang.

“Sige po, okay lang. Masaya na akong nakausap ko kayo,” wika nito.

Subalit hindi naman pumayag ang komedyante na wala siyang ibibigay sa kaniyang kausap kahit pa hindi naman talaga ito ang nag-send ng text message para makasali sa programa.

Screenshot mula sa GMA News YT video

Bago ito ay inalam muna ni Willie ang buhay at trabaho ng lalaki na isa palang truck driver at mayroong apat na anak.

“Pasensiya ka na ha…Dahil natawagan kita ay bibigyan kita ng 20,000 cash” ani Willie.

Malaki naman ang pasasalamat ni Juanito sa sponsor na nagbigay sa kaniya ng pera.

At bukod sa perang P20,000, binigyan din ni Kuya Wil si Juanito ng isang tablet na labis namang ikinagalak ng masuwerteng lalaki.

Panoorin ang video ng Wowowin:

 

<iframe width=”900″ height=”506″ src=”https://www.youtube.com/embed/hEMNO7HM54Q” frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen></iframe>

Source :

GMA News, You Tube

Loading…