Larawan ng dalawang penguins na tila magkayakap kinakiligan; nagwagi sa Ocean Photography Awards

  • Napa-“sana all” na lamang ang mga netizens sa larawan ng dalawang fairy penguins na makikitang tila magkayakap habang nakatanaw sa Melbourne skyline
  • Kuha ito ng photographer na si Tobias Baumgaertner na isinali niya sa Ocean Photography Awards 2020
  • Aniya, marami umano sa mga nakakita ng kaniyang larawan ang kinilig at nabigyang-inspirasyon tungkol sa usaping pag-ibig

Nagwagi ng “Community Choice Award” sa Ocean Photography Awards 2020 ang larawan ng dalawang fairy penguins na nakatingin sa Melbourne skyline sa Australia, at mapapansing ang unang penguin ay tila nakayakap sa pangalawang penguin, bagay na kinakiligan naman ng mga netizens.

Ang naturang shot ay kuha ng photographer na si Tobias Baumgaertner, na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram post. Marami umano sa mga netizens ang nagbigay ng mensahe sa kaniya, na kinilig at tila nahaplos ang kanilang mga puso at kaluluwa sa mensaheng makikita sa naturang larawan. Isa raw itong inspirasyon. Kaya naman, isinali niya ito sa Ocean Photography Awards 2020.

Imahe mula sa Instagram account ni Tobias Baumgaertner / Ocean Photography Awards

“I posted this image of these two fairy penguins a little more than half a year ago and since then it has circled the globe, it has been seen by millions and I have received thousands of messages and comments of how these two little guys have touched and mended broken hearts, brought joy, hope and love into your lives,” paliwanag ni Tobias.

“It has become a symbol of togetherness and love. Times are still not easy for many of us, thus I repeat what I wrote back then ‘During times like this the truly lucky ones are those that can be with the person/people they love most.’ THANK YOU FOR YOUR SUPPORT!” aniya.

“A volunteer approached me and told me that the white one was an elderly lady who had lost her partner, and apparently so did the younger male to the left. Since then they meet regularly, comforting each other and standing together for hours, watching the dancing lights of the nearby city,” dagdag pa niya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“Awesome moment! So much love in this picture. It’s magical!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “So adorable! Sana all may kayakap. Iyan ang hindi natin magawa ngayon dahil sa pandemya, buti pa ang mga hayop nagagawa iyan. We need comforting arms!”

Imahe mula sa Instagram account ni Tobias Baumgaertner / Ocean Photography Awards

Ang mga penguins ay maituturing na “aquatic flightless birds” na kadalasang makikita sa mga malalamig na lugar, kagaya ng Australia. Subalit may mga specie rin na kayang manirahan sa mga tropikal o maiinit na bansa, na malapit sa ekwador.

Loading…