“Law of Attraction” sa ilang sikat na mga celebrities nagdulot ng inspirasyon

  • Mapatutunayan ng sikat na mga celebrities na totoo ang “Law of Attraction”
  • Makikita iyan kina Pia Wurtzbach, Macoy Dubs, Inka Magnaye, Maine Mendoza, at Kelly Merritt
  • Ang Law of Attraction ay tumutukoy sa paniniwalang positibo o negatibong pagtingin o pananaw ng isang tao hinggil sa kaniyang sarili hanggang sa magkatotoo ito

Sabi nga, libre lamang daw ang pangarap. Kahit na gaano man ito kaliit o kalaki, walang imposible basta’t may sapat na pananalig sa Diyos at sa sarili na makakamit ang anomang naisin, basta’t huwag lamang bibitiw rito. Kung ano raw ang kine-claim natin, talagang mangyayari at mangyayari ito dahil sa tinatawag na “Law of Attraction.”

Kaya naman nagbigay-inspirasyon sa mga netizens ang mga pagpapatunay ng “Law of Attraction” sa ilang mga sikat na personalidad ngayon, lokal man o internasyunal, matapos nilang i-claim ang mga gusto nilang mangyari sa kanilang buhay, na naabot naman nila matapos ang ilang taon.

Public Domain Image

Ilan sa kanila ay sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Lunch Out Loud host na si Macoy Dubs o kilala rin bilang “Aunt Julie,” Voice Over Talent at boses sa likod ng Philippine Airlines na si Inka Magnaye, Dubsmash Queen at Phenomenal Star Maine Mendoza, at Victoria’s Secret Filipino-American Model na si Kelsey Merritt. Kumakalat sa mga social media platforms ang kanilang mga dating social media status o post hinggil dito.

Sabi ni Pia noong May 3, 2015 sa kaniyang Twitter post, “Kalma lang guys. Ako bahala. Babawi tayo sa Miss Universe!” matapos matalo ang pambato ng Pilipinas sa naturang prestihiyosong beauty pageant na si Mary Jean “MJ” Lastimosa noong 2014. Bagay na nagawa naman niya, dahil hindi lamang siya basta nanalo, siya ang nag-uwi ng korona at titulo.

“Breakout stint” naman para kay Mark Averilla a.k.a. Macoy Dubs ang 2020. Sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 16, 2018, o dalawang taon na ang nakalilipas, ipinangako niya sa kaniyang sarili na magiging “sought-after comedian” siya.

Public Domain Image

Macoy Dubs natupad ang pangako sa sarili pagkalipas ng dalawang taon

Sabi niya, “Remember this post: Day will come that where you’ll see me on TV as one of the sought-after comedians. It’ll happen and I’m sure of it. #GandaKa #MacoyDubs.” Bagay na natupad nga. Matapos siyang sumikat bilang “Aunt Julie” sa social media, nagsimula na ang kaniyang mga TV guestings, hanggang sa maging isa siya sa mga hosts ng “Lunch Out Loud” o LOL sa TV5.

Ganiyan din ang nangyari kay Inka Magnaye na ilang beses na ring naitampok sa iba’t ibang mga TV shows dahil sa kaniyang malamyos at magandang tinig, na bumagay naman sa kaniyang personalidad. Siya ngayon ang boses sa likod ng Philippine Airlines, na namana naman niya sa kaniyang ina. Bukod dito, kinukuha rin siyang voice over talent sa iba’t ibang mga advertisements.

“I did this, too! If you all ask my friends, I told them one by one when the year started that I was going to be a viral voice over talent. And less than a year later, here we are. Manifestations work,” aniya.

At siyempre, kinakiligan naman ang Twitter post ng tinaguriang “Dubsmash Queen” at “Phenomenal Star na si Maine Mendoza dahil sa kaniyang pagkakilig sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde, noong Hulyo 28, 2013. Tinawag niyang “Arjo cutie” ang aktor.

Public Domain Image

Hindi pa siya sikat noon bilang “Yaya Dub” sa Kalyeserye kung saan sumikat ang kanilang tambalan ni Alden Richards bilang “AlDub.”

Nariyan din ang Twitter post ni Kelsey Merritt noong Hulyo 7, 2017 na nagsasabing makakapag-VS din siya o nangangahulugang makakarampa rin siya sa Victoria’s Secret Annual Fashion Show, bagay na nangyari nga, makalipas ang isang taon.

“Mark this tweet. Makakapag-VS din ako balang araw. #lawofattraction,” aniya.

Public Domain Image

Para sa “New Thought movement o philosophy,” ang Law of Attraction ay tumutukoy sa paniniwalang ang positibo o negatibong pagtingin o pananaw ng isang tao hinggil sa kaniyang sarili o kapwa ay maaaring magkatotoo kung ito ay ike-claim o iisiping magkakatotoo nga. Nagsisilbi kasi itong “driving force,” motibasyon, o inspirasyon upang makuha, maganap, o matupad ito. Basta’t sasamahan lamang ng pananalig sa Diyos at pagtitiwala sa sarili.

Kaya wika nga nila, “Claim it!”

Loading…