Libreng 3-hectare farm lots alok ng DAR sa fresh graduate ng agricultural courses

Imahe mula sa PNA
  • Libreng three-hectare farm lots, alok ng DAR sa mga fresh graduates ng agricultural courses
  • Layunin ng insentibong ito na mahikayat ang mga kabataan na pasukin ang pagsasaka upang palakasin ang tumatandang sektor na ito na ang average age ng tinatayang 11 million Pinoy farmers ay 57
  • Bibigyan ng prayoridad ng DAR sa pamamahagi ng libreng farm lots ang mga graduates mula sa mga maralitang pamilya

Ang mga bagong graduate ng agricultural courses ay maaaring mapagkalooban ng libreng sakahan na hanggang tatlong ektarya ang laki upang doon nila ma-practice ang kanilang propesyon.

Imahe mula sa DAR

Sinabi ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones na ang layunin ng pamimigay ng libreng three-hectare farm lots sa mga fresh graduates ng agricultural courses ay upang mahikayat ang mga kabataan na pasukin ang pagsasaka upang palakasin ang tumatandang sektor na ito na ang average age ng tinatayang 11 million Pinoy farmers ay 57.

Buo ang tiwala ni Castriones na gagamitin ng mga fresh graduates ng agricultural courses ang farm lots na ibibigay sa kanila dahil iyon ang magsisilbing “farm laboratories” kung saan nila magagamit ang mga theories at best practices na natutuhan nila sa kanilang pag-aaral.

“This incentive will also serve as an impetus for the attainment of the country’s food security,” pahayag ng DAR secretary.

Ayon sa ahensya, may mga ginawang pag-aaral na nagsasabi na maraming kabataang Pilipino ang kumukuha ng non-agricultural courses dahil sa maling paniniwala na “farming is no fun.”

Imahe mula kay ex-Agriculture Sec. Manny Piñol

Sinabi ng Department of Agriculture Agricultural Training Institute na kung magpapatuloy ang ganitong trend, sa loob ng labinlimang taon ay mahaharap ang bansa sa kakulangan ng mga magsasaka.

“This is our response to this critical issue. We need to encourage the youth to engage in farming to keep the country’s food security on course,” wika ni Sec. Castriones.

Idinagdag pa ng kalihim na ang pagpapalakas ng agriculture industry  sa pamamagitan ng mas batang henerasyon ng mga magsasaka na mayroong mas malawak na kaalaman sa modern farming technology ay ang susi upang mapabuti ang farm productivity at makabawi sa pagkaluging idinudulot ng mga bagyo.

Imahe mula sa Department of Agriculture Agricultural Training Institute

Bibigyan ng prayoridad ng DAR sa pamamahagi ng libreng farm lots ang mga graduates mula sa mga maralitang pamilya.

Loading…