Libreng gamot para sa mga mahihirap na pasyente ibinebenta ng isang grupo; mga suspek nasakote ng NBI

Screenshot mula sa GMA video
  • Mga donasyon gamot para sa mga mahihirap na pasyente, ibinebenta ng isang grupo
  • Ang mga medisina ay mula sa MAIP program ng pamahalaan
  • Ang mga medisinang ibinebenta ng mga suspek ay gamot na ginagamit ng mga pasyenteng nagpapa-dialysis

Timbog sa National Bureau of Investigation Special Task Force (NBI-STF) ang isang grupo na nagbebenta ng mga gamot na donasyon para sa mga mahihirap na pasyente na mayroong karamdaman sa kidney.

Screenshot mula sa GMA video

Ang mga medisinang ilegal na ibinebenta ng mga suspek ay libreng ipinamamahagi sa mga pasyente sa ilalim ng programa ng pamahalaan na tinawag na Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP).

Ang MAIP ay inisyatibo ng Department of Health at ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) na pag-aari ng gobyerno ay isa sa mga implementing agencies ng programa.

Ang mga suspek na nasakote sa buy bust operation na isinagawa ng NBI-STF noong Lunes, December 7, ay kinilala ni NBI OIC Director Eric Distor na sina Aliza Macalambos, Jen Tubongbanua, Clarita Selga, Maria Fe Nisnisan, Emilda Besmonte, Norhata Batua, at Virginia dela Cruz.

Ayon kay Distor, ang operasyon ay inilatag matapos magreklamo ang NKTI tungkol sa ilegal na bentahan ng mga donasyong gamot.

Bago ang buy bust operation, nagsagawa muna ng imbestigasyon ang NBI batay sa reklamo ng NKTI. Kasunod niyon ay ang surveillance at test buy operation, kung saan napatunayan ang sumbong sa kanila matapos makabili ang isa nilang undercover agent.

Screenshot mula sa GMA video

Ang mga gamot na Epoetin Alfa  at Renvela ang nabili sa suspek na si Macalambos sa test buy operation. Kasunod niyon ay ikinasa na ng tropa ng NBI ang buy-bust operation at umorder ulit ng mga gamot na ginagamit ng mga pasyenteng nagoaoa-dialysis.

“On December 7, 2020, NBI-STF proceeded to the agreed meeting place and met by Subject Macalambos and Subject Tubongbanua and was later accompanied by Subjects Selga, Quimno, Besmonte, Batua, and Dela Cruz. During the transaction the operatives noticed that the subjects are sharing their stocks in order to meet the order of their customers,” ayon sa NBI-STF statement.

Kinumpirma ng NKTI na ang mga gamot na nakuha mula sa mga suspek ay bahagi ng imbentaryo nito bago na-release sa pamamagitan ng MAIP program.

Ayon sa NBI, nakakakuha ang mga suspek ng mga gamot sa NKTI dahil sa mga dala nilang guarantee letters mula sa mga mambabatas. Ang gamot na libre ang ibinibigay para sana sa mga pasyenteng nagda-dialysis ay ibinebenta ng mga ito.

Screenshot mula sa GMA video

“Nakakalungkot na hindi nakakakuha ng gamot ang ilan sa ating may sakit na kababayan dahil sa modus ng grupong ito. Tuloy ang follow-up operation ng ating operatiba para makuha ang lahat ng suspek na pinagkakitaan ang mga guarantee letters ng ating mambabatas,” sabi ni Distor.

Kahun-kahong mga gamot ang nasamsam ng NBI mula sa grupo.

Screenshot mula sa GMA video

Loading…