Libreng sakay: Quezon City nag-deploy ng 85 bus para sa mga residente ng siyudad

Imahe mula sa Quezon City Government
  • Umarangkada na ang Bus Augmentation Program ng Quezon City government
  • 85 bus ang idineploy sa walong ruta para sa mga residente ng Quezon City
  • Sa ngayon ay bukas ito sa publiko, subalit kalaunan ay ang mga may QCitizen ID Card lang ang pasasakayin

Walumpu’t limang (85) mga bus ang idineploy ng Quezon City government na tatakbo sa iba’t ibang ruta upang matugunan ang kakulangan sa pampublikong sasakyan dahil sa mga restriksyong ipinatutupad ng pamahalaan para sa kaligtasan ng mga mamamayan sa umiiral na COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa Quezon City Government

Ang libreng sakay sa bus sa ilalim ng Bus Augmentation Program ng city government para sa mga residente nito ay nagsimulang umarangkada noong Lunes, December 7.

Walong ruta ang pagsisilbihan ng mga bus na daraan sa mga pangunahing kalsada:

  • Route 1 – Quezon City Hall to Cubao (and vice versa)
  • Route 2 – Litex / IBP Road to Quezon City Hall (and vice versa)
  • Route 3 – Welcome Rotonda to Aurora Blvd. / Katipunan Avenue (and vice versa)
  • Route 4 – General Luis to Quezon City Hall (and vice versa)
  • Route 5 – Mindanao Ave. cor. Quirino Highway to Quezon City Hall (and vice versa)
  • Route 6 – Quezon City Hall to Robinsons Magnolia (and vice versa)
  • Route 7 – Quezon City Hall to Ortigas Avenue Extension (and vice versa)
  • Route 8 – Quezon City Hall to Muñoz (and vice versa)
Imahe mula sa Quezon City Government

Nilinaw ni City Administrator Michael Alimurung na sa ngayon ay bukas sa publiko ang libreng sakay, subalit hindi maglalaon ay kakailanganin na ng mga pasahero na magprisinta ng QCitizen ID Card, na nakatakdang i-release sa mga susunod na araw, bago pasakayin.

Tiniyak niya na hindi makadaragdag sa trapiko ang Augmentation Bus dahil hihinto lang ito sa mga pick-up at drop off points ng ruta.

Inaasahan din na makababawas ito sa bilang ng mga private cars sa kalsada dahil posibleng mag-avail na rin ng libreng sakay ang mga QCitizens na may sariling sasakyan.

Imahe mula sa Quezon City Government

 

Loading…