Locsin nagbanta sa mga ‘naglalaro sa buhay ng mga Pinoy’: “Yayariin ko sila”

Imahe mula sa Facebook ni Sec. Teddy Locsin
  • Binantaan ni Locsin ang diumano’y mga naglalaro sa buhay ng mga Pilipino
  • Wala namang tinukoy na tao ang kalihim sa kaniyang pinakabagong tweet
  • Ibinahagi rin nito na humingi na siya ng tulong kay US Secretary of State Michael Pompeo

Mistulang hindi pa rin humuhupa ang pagkadismaya ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr., sa naunsiyaming negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at Pfizer para sana sa bakunang darating ngayong Enero.

Sa Twitter, muling naglabas ng galit ang kalihim laban sa diumano’y mga naglalaro sa buhay ng mg Pilipino.

Ito’y matapos sang-ayunan ni Locsin ang caption ng isang pahayagan na nagsasabing gumagawa siya ng paraan para makakuha ng COVID vaccine ang Pilipinas sa Pfizer.

Screenshot mula sa Twitter

“Opo at p********a silang naglalaro sa buhay ng Pilipino. Yayariin ko sila,” banta ng kalihim na wala namang partikular na tinukoy.

Matapos ito’y ibinahagi rin ni Locsin na nakausap niya umano sa telepono si US Secretary of State Michael Pompeo upang humingi ng tulong para matuloy muli ang naudlot na Pfizer vaccine deal.

“Great phone conversation with Mike Pompeo last night. Lotsa laughs at others. But on the most serious note I asked him to help Babe and I get back even a fraction of the 10 million doses of Pfizer after someone dropped the ball. He’ll give it his best try. Babe’s securing Moderna,” anito.

Si Locsin ang unang nagbunyag tungkol sa ‘kapalpakan’ umano ng isang opisyal ng gobyerno na siyang dahilan kung bakit hindi natuloy ang 10 milyong doses ng vaccine na magmumula sa Pfizer at nakatakda sanang dumating sa susunod na buwan.

Screenshot mula sa Twitter

Kinalaunan ay inamin ni Senador Ping Lacson na si Health Secretary Francsisco Duque ang tinutukoy ni Locsin na ‘someone who dropped the ball’ kaya nabigong matuloy ang deal. Ayon pa sa mambabatas, marami sanang buhay ang maililigtas pa kung hindi sa kapabayaan ni Duque.

Mariin naman itong pinabulaanan ni Duque at sinabing ginawa niya ang kaniyang trabaho at tuloy pa rin naman ang pagkuha ng bakuna sa Pfizer kaya lang ay maaantala na ito ng ilang buwan.

Loading…