LRT-1 Cavite extension project nangangalahati na, partial operation sa 2021 inaasahan

Imahe mula sa DOTr
  • Masayang ibinalita ng DOTr na as of November 30, 2020 ay nangangalahati na ang LRT-1- Cavite Extension Project
  • Sinabi ni DOTr Usec. Batan na sa December 2021 ay partially operational na ang Redemptorist Station nito sa Parañaque
  • Sa oras na makumpleto ang proyekto, magiging 25 minutes na lang ang biyahe sa pagitan ng Cavite at Maynila mula sa dating mahigit isang oras

Itinuturing ng Department of Transportation (DOTr) na isang pamaskong handog para sa publiko, lalo na para sa mga commuters mula sa Cavite, ang pinakahuling construction progress report nito tungkol sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension project.

Imahe mula sa DOTr

Sa isang post sa social media, buong pagmamalaking ibinida ng DOTr na as of November 30, 2020 ang matagal nang inaabangan at hinihintay na rail extension ng LRT-1 ay nangangalahati na. Nasa 50.54% na umano ang nakumpleto sa proyekto.

“As of November 30, this long-awaited and highly-anticipated rail extension of LRT-1 is now HALFWAY, with 50.54% overall progress rate,” post ng DOTr sa Facebook page nito noong Biyernes, December 11.

Ang 11.7-kilometer extension ng LRT-1 ay magsisimula sa Baclaran sa Parañaque at may walong istasyon ito na magtatapos sa Niog sa Bacoor, Cavite – Redemptorist Station, MIA Station, Asiaworld Station, Ninoy Aquino Station, Las Piñas Station, Zapote Station, at Niog Station.

Ayon sa mensaheng ibinigay ni DOTr Undersecretary for Railways na si Timothy John Batan, inaasahang sa Disyembre ng susunod na taon, ang Redemptorist Station ay partially operational na.

“And we’ve instructed the concessionaire, the Light Rail Manila Corporation, to target operationalizing additional stations up to MIA Station or PITX Station soonest,” wika ni Usec. Batan.

Imahe mula sa DOTr

Sa oras na makumpleto na ang proyekto, tinatayang kakayanin nitong magsakay ng karagdagang 300,000 to 500,000 passengers daily.

Ang dating isang oras at sampung minutong biyahe sa pagitan ng Cavite at Maynila ay inaasahang tatagal na lang ng 25 minuto.

Source :

Facebook, PNA

Loading…