Lumang larawan ng mag-amang Vic at Vico Sotto kinatuwaan

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang lumang larawan ng mag-amang Vic at Vico Sotto
  • Makikita sa larawan na sanggol pa lamang si Vico habang nasa bata-batang edad pa si Vic
  • Si Mayor Vico ang kasalukuyang mayor ng Pasig City na inuulan ngayon ng pagkilala at paghanga dahil sa kaniyang mahusay na pamamahala

Sabi ng isang matandang kasabihan, “Kung ano ang puno, siya ring bunga.” Kung sa larangan ng botany ang pag-uusapan, maaaring ito ay totoo: ang likas na punong mangga ay magbubunga ng mangga, ang punong santol ay magbubunga ng santol, at iba pa. Subalit sa larangan ng pagmamagulang, maaaring masabing totoo o hindi totoo ito.

Pero para sa mag-amang Vic at Vico Sotto, masasabing totoo ito lalo pa’t nakuha rin ng mayor ng Pasig City ang hitsura ng kaniyang mata gayundin ang likas na talento nito sa pagpapatawa. Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang lumang larawan ng mag-ama na makikita sa Facebook page na “Classic Pare Titos and Titas of Manila.”

Imahe mula sa Facebook page na Classic Pare Titos and Titas of Manila

Kitang-kitang bata-bata pa si Bosing Vic dito at pilit na itinatayo si Mayor Vico paharap sa camera, na noon ay isang sanggol pa lamang.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“Ang cute naman ng baby na ‘yan. Now, our dedicated mayor,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Kung tutuusin, masuwerte si Vic sa mga anak niya. Lahat ay matitino. Ibig sabihin, magaling sa parenting skills si Vic, kahit na magkakaiba sila ng ina.”

“Vic is a lucky father to have Mayor Vico as a son!” wika naman ng isa.

Ipinanganak si Vico Sotto noong Hunyo 17, 1989. Ang kaniyang ina ay mahusay na aktres na si Coney Reyes. cDahil anak ng sikat na celebrities, inasahan ng mga tao noon na papasukin din niya ang showbiz, subalit nanaitiling “low profile” ang bata, na may kaunting interes na raw sa pamahalaan, sa edad na 10.

Natapos niya ang elementarya at high school sa Brent International School at tinapos naman ang Bachelor of Arts in Political Science sa Ateneo de Manila University noong 2011.  Tinuloy naman niya ang post-graduate degree Public Administration sa Ateneo School of Government at natapos ito noong 2018.

Public Domain Image

Bagama’t hindi naman bago sa kaniya ang serbisyo-publiko, tumakbo bilang mayor ng Pasig si Vico noong 2019, bitbit ang platapormang “Big V” (Big Five) Agenda, na kinabibilangan ng universal healthcare, housing programs, education, public consultation, at anti-corruption efforts. Tinalo niya ang napakatagal na naging punong-lungsod ng Pasig na si Mayor Bobby Eusebio.

Sa ngayon, isa si Mayor Vico sa mga sikat, tinitingala, at hinahangaang opisyal ng lokal na pamahalaan dahil sa kaniyang husay, dediaksyon, at inobasyon sa Pasig City. Lahat daw ng magagandang katangiang ipinamamalas niya ay dahil sa maganda at maayos na pagpapalaki sa kaniya ng mga magulang.

Loading…