Lumang larawan ng mag-inang Coney Reyes at Vico Sotto kinaaliwan

  • Naaliw naman ngayon ang mga netizens sa throwback photo ng mag-inang Coney Reyes at Pasig City Mayor Vico Sotto
  • Marami sa mga netizens ang nagturang bata pa lamang si Vico ay may “leadership aura” na ito
  • Nauna na ritong pag-usapan ang lumang larawan ng mag-amang Vic at Vico

Marami ang humahanga ngayon sa mayor ng Pasig City na si Mayor Vico Sotto dahil sa kaniyang husay sa pamamahala at iba’t ibang inobasyon sa kaniyang nasasakupan, kahit na kung tutuusin ay “bagito pa lamang siya sa kaniyang posisyon. Bukod dito, kapansin-pansin din ang kaniyang simpleng ugali at kababaang-loob.

Maraming nagsasabing dahil daw ito sa maayos na pagpapalaki sa kaniya ng mga magulang, lalo na sa kaniyang inang si Coney Reyes, na isa sa mga batikan at premyadong aktres ng Philippine Showbiz. At syempre, nariyan din ang kaniyang ama na si Bosing Vic Sotto. Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang lumang larawan ng mag-inang Coney at Vico noong bata pa ito.

Makikita ito sa Facebook page na “Classic Pare Titos and Titas of Manila.”

Imahe mula sa Facebook page na Classic Pare Titos and Titas of Manila

“Beautiful Coney Reyes and her son child Mayor Vico Sotto!!” saad sa caption ng FB post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“The little boy is now the Father of Pasig City. Kudos to your parenthood, Miss Coney, and of course, Bosing Vic! You raised a child very well,” saad ng isa.

Sabi naman ng isa, “Coney is really pretty and Vico beside her got the good looks; has the aura of a competent leader in the making!”

“Mukhang inosente, hindi mo aakalaing magiging napakabuting mayor. Pagpalain ka lagi ng Panginoong Maykapal Mayor Vico. Congrats kina Coney and Vic for raising Mayor Vico very well!” pahayag naman ng isa.

Wika naman ng isa, “The silent worker. Congrats Miss Coney Reyes for raising a good and humble person like Myaor Vico!”

Public Domain Image

Samantala, pinag-usapan din sa social media ang lumang larawan naman ng mag-amang Vic at Vico, noong sanggol pa lamang ang huli.

Lumang larawan ng mag-amang Vic at Vico Sotto kinatuwaan

Lubusang nagkakilala at nagkapalagayang-loob sina Vic at Coney dahil sa noontime show na “Eat Bulaga” kung saan naging isa sa mga hosts nito si Coney mula  1982-1991.

Nang magpasa ng certificate of candidacy si Mayor Vico sa pagtakbo bilang mayor ng Pasig City noong Oktubre 17, 2018, kasama niya ang kaniyang mga magulang.

Loading…