Lumang larawan ng “The Big Dome” muling binalikan

  • Muling binalikan ng mga netizens ang mga panahong wala pa masyadong malls at gusali sa tabi ng “The Big Dome”
  • Ito ay kilala ngayon sa pangalang “Smart Araneta Coliseum” na matatagpuan sa Cubao, Quezon City
  • Minsan na itong kinilalang “pinakamalaking dome sa buong Asya” 

Isa sa mga kilalang establisimyento sa Lungsod ng Quezon, at maaaring maging sa buong Pilipinas, ay ang Araneta Coliseum na matatagpuan sa Cubao. Kilala rin ito bilang “The Big Dome.” Marami nang mga makasaysayang events, concerts, performances, sports events, at grand finale nights ng mga television shows ang naganap na rito.

Kaya naman, nostalgia ang hatid ng larawan ng Big Dome na ibinahagi sa Facebook page na “Memories of Old Manila.” Makikita ang kabuuang oval shape ng coliseum dahil wala pa masyadong establisimyento sa paligid nito noon.

Imahe mula sa Facebook page na Batang Pinoy: Ngayon at Noon

“Natatanaw n’yo pa ba mula sa EDSA ang ‘The Big Dome’ o  Araneta Coliseum pagka-dumadaan ang sinasakyan ninyo (pwera syempre ang MRT) sa Cubao?” tanong ng nagngangalang “Thor Reyes” na siyang nag-upload nito.

Dagdag pa niya, “Noong araw… manghang-mangha ako sa laki nito mula sa pagtanaw sa loob ng sasakyan namin… ngayon, hindi mo na halos mapapansin ang dating binansagang World’s Largest Coliseum.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Disney on Ice ang una kong napanood diyan. Sa ngayon, napakaraming building na nakapaligid ngayon kaya hindi na masyadong napapansin ang ganda ng coliseum, ” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ganito rin ang Philippine Arena, sa katagalan matatabunan na rin ng matataas na gusali pagdating ng panahon.”

“A remarkable place to enjoy numerous events from the time it was constructed. Sa ngayon kasi natabunan na iyan ng malls kaya nakakalungkot lang na hindi na masyadong nabigyan ng highlights. Kapag sinabing Araneta Coliseum ang concert ng artista, sikat na sikat ang artist na iyan kasi sumugal ang management for a big venue.”

Public Domain Image

Ang Smart Araneta Coliseum (fdating Araneta Coliseum lamang) o The Big Dome, ay isang indoor multi-purpose sports arena na bahagi ng Araneta City. Isa ito sa mga itinuturing na pinakamalaking indoor arenas sa Asya, at pinakamalaking clear span domes sa buong mundo.

Ito ay may sukat na 108.0 metro (354.3 talampakan) kaya ito ang itinuring na pinakamalaking dome sa buong Asya mula 1960 hanggang 2001, hanggang sa ito ay matalo ng “?ita Stadium sa Japan na may sukat na  274.0 metro (899.0 talampakan).

Sa ngayon, maituturing na pinakamalaking indoor arena sa buong daigdig ang “Philippine Arena” na matatagpuan sa Bulacan, na proyekto ng Iglesia Ni Cristo o INC na itinayo noong 2014 para sa kanilang centennial celebration.

Loading…