Macoy Dubs natupad ang pangako sa sarili pagkalipas ng dalawang taon

  • Natupad umano ang pangarap ni Macoy Dubs na ibinahagi niya sa social media dalawang taon na ang nakalilipas
  • Ipinangako niya sa sarili na magiging “sought-after” comedian siya sa telebisyon
  • Hindi siya makapaniwala na matutupad ito ngayong 2020

Isa sa mga sumikat na personalidad sa social media o tinatawag na “social media influencer” na tumawid at nakilala sa mainstream media si Mark Averilla o mas kilala bilang “Macoy Dubs.” Una siyang nakilala sa kaniyang mga videos na nagpapakita ng dubbing, subalit mas naging hit ang kaniyang pagganap sa mga monologo sa karakter ni “Aunt Julie,” ang sosyalerang tita na nag-aral sa “Povedaaahh.”

Matapos ang kaliwa’t kanang TV guestings sa mga programa ng iba’t ibang TV network, dumapo ang suwerte sa mga palad ni Macoy nang kunin siyang host-comedian ng bagong noontime show na “Lunch Out Loud” sa ilalim ng Brightlight Productions. Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi ni Macoy ang screenshot ng kaniyang Facebook post noong Setyembre 16, 2018, o dalawang taon na ang nakalilipas. Ano nga kaya ang laman ng post na ito?

Imahe mula sa Facebook account ni Macoy Dubs

“Nag-manifest yung sinabi ko 2 years ago. Isang tanda na huwag tayo susuko sa mga pangarap natin. At kahit nagkamali tayo, humingi tayo ng sorry at laban ulit. Sa lahat ng sumusuporta, nanonood ng content ko at naniniwala… thank you po sa inyo. Macoy/Aunt Julie loves you! Kahit ano pa kayo,” saad niya.

Mababasa sa kaniyang Facebook post noong 2018 ang ganito: “Remember this post: Day will come that where you’ll see me on TV as one of the sought-after comedians. It’ll happen and I’m sure of it. #GandaKa #MacoyDubs.”

Umani naman ito ng iba’t ibang papuri at komento mula sa mga netizens.

“I admire you so much, Macoy! Continue achieving your other goals because you deserve it. You are one of my greatest role models on wanting to be more socially and politically aware,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Kumadre sa mundo ng mga elitista ikaw na ang shining, shimmering, splendid! Love your kaperlasan. Kahit busy ako sa module, I find time to watch you, ganyan kita kamahal!”

“You deserve it! Dreams happen, when we believe IN OURSELVES talaga. Di dapat natin inaasa yung kapalaran natin sa iba. We create our destiny and how we make our life beautifully worthwhile, and you did it po.”

Public Domain Image

Umeere ang Lunch Out Loud  sa TV5, kasama ang mga batikang hosts-performers/comedians na sina Billy Crawford, Bayani Agbayani, K Brosas, Isabelle Daza, KC Montero, Wacky Kiray, at Alex Gonzaga.

Source :

Facebook

Loading…