Mag-inang Sonia at Frank Gregorio inihatid na sa huling hantungan

  • Naihatid na sa huling hantungan ang mag-inang Sonia at Frank Gregorio
  • Isang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang malagim na pangyayari
  • Daan-daang katao ang nakiramay at naghatid sa kanila sa huling hantungan

Inihatid na sa huling hantungan ang mag-inang Sonia at Frank Gregorio nitong Linggo ng umaga, Disyembre 27, 2020, sa Paniqui Garden of Angels Memorial Park, sa lalawigan ng Tarlac.

Eksaktong isang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang kalunus-lunos na insidente sangkot si Staff Sergeant Jonel Nuezca sa mismong tahanan ng mga biktima sa Paniqui, Tarlac, na nagdulot ng galit sa sambayanan dahil kitang-kita sa video ng kaanak ng mga Gregorio ang mga pangyayari.

Pub;ic Domain Image

Daan-daang mga tao naman ang nakiramay at naghatid sa mga labi ng mag-inang Gregorio sa huling hantungan ng mga ito; dalawang araw matapos ang pagdiriwang ng Pasko. Nabagbag naman ang damdamin ng lahat sa paghihinagpis ng mga kaanak ng dalawa.

Nakiramay rin ang mga netizens sa pamilya Gregorio. Hangad nilang makamit ng pamilya ang hustisyang hinahanap nila.

“Praying na makamit po ninyo ang justice, tandaan ninyo po hindi natutulog ang DIYOS,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Condolences sa both families. If only they can go back and talk about it instead of heartless way, maybe it didn’t happen and end this way! Both families lost their love ones and left big hole in their hearts forever. I pray someday you all find forgiveness and peace.”

“Malapit nang makamit ang hustisya, nakakulong na ‘yung suspect, at nabuksan ng pangyayaring ito ang ilan sa mga isyung panlipunan na matagal nang nangyayari sa ating paligid; sa ngayon,  may mga malalaking usaping problema ang bansa na mas dapat pag-usapan at iyon ang mas kailangang iprayoridad para sa nakakarami, condolence sa pamilya,” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Nakikiramay tayo sa pamilya Greogrio! Nawa ay makamit ninyo ang hustisya!

Source :

Twitter, News 5

Loading…