Maja Salvador ibinida sa vlog ang bago niyang customized van

Screenshot mula sa vlog ni Maja Salvador
  • Ipinasilip ni Maja Salvador ang bagong van niya na ipina-customize sa Tuned in Style automobile customization shop
  • Pinangalanan niyang “Ari” ang van sunod sa pelikulang “Arisaka” na ginawa niya
  • Ang customized van ang magsisilbi raw niyang home away from home kapag nasa trabaho siya

Ipinasilip ng actress, singer, dancer, tv host na si Maja Salvador sa kanyang  mga fans at social media followers ang bago niyang “artista van” sa latest vlog niya. Batay sa itsura ng van, isa iyong 15-seater Ford Transit van na kulay itim na nagkakahalaga ng P2,300,000.

Screenshot mula sa vlog ni Maja Salvador

“Gusto ko i-share sa inyo ang aking bagong van na si Ari. Papasilip ko ‘yung transformation to make it my home away from home ‘pag nasa work ako. Sana mag-enjoy kayo sa pagpapasilip ko sa isa sa aking mga personal space!” caption ni Maja sa YouTube vlog niya.

Tulad nga ng sinabi niya sa caption, pinangalanan ni Maja ang customized van niya ng “Ari” na isinunod sa ginawa niyang pelikulang “Arisaka” na ang award-winning filmmaker na si Mikhail Red ang nagdirihe.

“Ang pangalan pala ng car namin, Ari. Kasi nga binili ko siya dahil magsu-shoot ako ng film na “Arisaka.” Tapos hindi ko siya nagamit kasi nga pina-customize ko. Kaya, iyon, Ari na lang din ang ipinangalan ko,” ani Maja.

Isang buwan daw tumagal ang pagpapa-customize ng van na ipinagawa niya sa “Tuned in Style,” isang automobile customization shop na gumagawa mula design hanggang sa fabrication at matatagpuan sa Quezon City.

Screenshot mula sa vlog ni Maja Salvador

Sa simula ng vlog niya ay ipinakita muna ng aktres ang loob ng van na hindi pa napapaayos o ang “before” looks nito upang magkaroon ng ideya ang mga fans kung ano ang naging transpormasyon ng van pagkatapos ng customization.

At makalipas ng isang buwan ay isang napakagandang customized van ang idiniliver sa kanyang ng Tuned in Style.

Tingnan ang transformation ni Ari sa vlog ni Maja:

Source :

YouTube

Loading…