Malakas makahawang new COVID-19 strain mula sa UK nasa Singapore na

Imahe mula sa The Conversation
  • Bagong COVID-19 strain mula sa UK na diumano ay malakas makahawa; nasa Singapore na
  • Isang Singaporean girl na nag-aral sa UK at umuwi sa kanilang bansa noong December 6 ay kumpirmadong positibo sa B117 coronavirus strain
  • Sa Pilipinas, pansamantalang suspendido ang mga flights galing sa UK upang hindi makapasok ang B117 strain sa bansa

Ipinahayag ng Ministry of Health (MOH) ng Singapore ang isang kumpirmadong kaso ng bagong COVID-19 strain mula sa United Kingdom (UK) na pinaniniwalaang malakas makahawa. Ang pasyente ay isang 17-year old Singaporean girl na nag-aral noon sa UK at umuwi sa kanilang bansa nito lang ika-6 ng Disyembre.

Imahe mula sa MOH

“As she had been isolated upon arrival in Singapore, we were able to ringfence this case so that there was no further transmission arising from her,” sabi ng MOH.

Bukod sa teenager, labing-isang pasyente pa na nauna nang naka-quarantine ay nagkaroon ng preliminary positive result sa bagong COVID-19 variant na tinatawag na B117 strain.

Ang lahat ng bagong kaso ng COVID-19 infections sa Singapore ay nanggaling sa Europe, pero nilinaw ng MOH na sa ngayon ay wala pang ebidensya na ang B117 strain ay nagsi-circulate sa kanilang mga komunidad.

“All the cases had been placed on 14-day stay-home notices at dedicated facilities or isolated upon arrival in Singapore, and their close contacts had been quarantined earlier,” ayon pa sa MOH.

Imahe mula sa Dawn

Samantala, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes, Ika-22 ng Disyembre, ang pansamantalang suspensyon ng mga flights galing sa UK dahil sa B117 coronavirus strain.

Ang flight suspension ay simula 12:01 a.m. ng ika-24 ng Disyembre hanggang sa katapusan ng taon.

Ang lahat ng mga travelers mula sa UK na dumating sa bansa bago pa maipatupad ang flight suspension ay papayagang makapasok subalit kailangan nilang sumailalim sa 14-day quarantine sa New Clark City sa Tarlac kahit na mag-negatibo ang kanilang swab test pagdating sa airport.

Imahe mula sa ANC

Loading…