Mall owners sa NCR, nagdagdag ng mga sekyu na sasaway sa mga minors na gumagala sa shopping malls

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Nagdagdag ng mga sekyu at health protocol officers ang mga mall operators upang tiyaking walang makapapasok na menor de edad sa kanilang establisimyento
  • Papayagan lang ang mga minors na makapasok  kung may mahalagang pakay sa mall gaya ng pagpapakonsulta sa mga clinic sa loob ng establisimyento
  • Hindi huhulihin kundi pagsasabihan at sasawayin lang ang mga menor de edad na makikita sa loob ng mall

Ilang shopping malls sa National Capital Region o Metro Manila ang nag-deploy ng karagdagang security personnel at health protocol officers upang siguruhin na walang mga menor de edad ang makakapasok sa kanilang mga establisimyento.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Ito ay makaraang magdesisyon ang lahat ng alklade ng Metro Manila na ipagbawal ang pagtungo sa shopping malls ng mga menor de edad upang maiwasan ang posibleng COVID-19 transmission sa paparating na holiday season.

Maaari lang payagan ang mga bata sa mga malls kung magpapa-check up, kasama ng mga magulang o tagapag-alaga, sa mga klinika na nasa loob ng mga ito o kaya ay pagbili ng gamot.

Kabilang sa mga malls na mahigpit na nagpatutupad ng order ng mga local government units (LGUs) ay ang Robinsons malls, SM Supermalls at Ayala Malls.

“Ang direksyon namin sa lahat ng SM, sumunod sa itinakda ng LGU na talagang pagsabihan at pagbawalan ang mga menor de edad na pumunta sa mga mall. So, mayroong nakalagay sa batas na except that getting essentials,” wika ni SM Supermalls senior vice president Bien Mateo.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

“That’s why ang health protocols officer patuloy na paalalahanan ang mga menor de edad na kapag nakita sila sa mga mall sa lugar na hindi essentials,” dagdag pa niya.

Tiniiyak naman ng mga mall operators na hindi huhulihin ang mga menor de edad na makikita sa loob ng establisimyento na walang mahalagang pakay kundi sisitahin at pagsasabihan lang.

Loading…