Manny Pacquiao itinanghal bilang greatest boxer ng 21st century

Imahe mula sa Facebook account ni Manny Pacquiao
  • Itinanghal ng Give Me Sport media company si Manny Pacquiao bilang Greatest Boxer of the 21st Century
  • Ginamit ng Give Me Sport ang isang fan voting website bilang gabay sa ginawang listahan
  • Kabilang din sa listahan si Nonito “The Flash” Donaire na nasa 29th spot

Naglabas ang Give Me Sport (GMS) media company ng listahan nito ng 50 greatest boxers of the 21st century at ang “People’s Champ” na si Manny Pacquiao ang nanguna rito.

Imahe mula sa Facebook account ni Manny Pacquiao

Ayon sa GMS, ginamit nito ang “Ranker,” na isang fan voting website, bilang gabay kung sinu-sino ang dapat isama sa listahan at kung saang posisyon o rank sila ilalagay. Nilinaw nito na may ginawa silang kaunting tweak o adjustment para magawa ang final list.

Sa listahang inilabas noong ika-22 ng Disyembre ay nanguna nga si Pambansang Kamao Manny Pacquiao na itinanghal na Greatest Boxer of the 21st Century. Naungusan niya ang American rival niyang si Floyd Mayweather, Jr. na nasa ikalawang posisyon.

Ipinaliwanag ni Sam Righton ng GMS ang top 10 picks sa naturang listahan at kung bakit nangunguna roon ang fighting senator ng Pilipinas.

“I think we can all agree the longevity of these top 10 hitters are what makes them so special. From the likes of the fighters at the beginning of the century like Lennox Lewis, to those who have recently retired like Mayweather. It was tough to put these 10 into order, but we feel that the cream that rose to the top was Manny Pacquiao just for his incredible record and presence in the ring,” ani Righton.

Imahe mula sa Facebook account ni Nonito Donaire

Hindi lang si Pacquiao ang Pinoy boxer na kabilang as 50 Greatest Boxers of the 21st Century. Nasa ika-29 posisyon sa listahan si Nonito “The Flash” Donaire.

Tunghayan sa website ng Give Me Sport ang buong listahan.

Loading…