Mass COVID-19 vaccination sa UK: William Shakespeare isa sa mga unang binakunahan ng Pinay nurse

Screenshot mula sa NYP video
  • Sinimulan na noong December 8 ang vaccination program sa UK
  • Isa si William Shakespeare, katukayo ng England’s greatest dramatist and poet, sa mga unang binakunahan
  • Isang Pinay nurse ang gumawa ng kasaysayan sa UK bilang ang nurse na nagturok sa kauna-unahang pasyente sa buong mundo na binigyan ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine sa labas ng clinical trial

Ipinagbunyi ng mga Briton ang pag-usad ng vaccination program ng UK government para sa kanilang proteksyon kontra sa COVID-19 na sinimulan noong Martes, December 8, na tinawag nilang “V-Day.”

Screenshot mula sa NYP video

Kabilang sa mga unang pasyenteng binakunahan ang mga matatandang may edad na lampas 80 years old, mga kawani ng care homes, at ang mga “at-risk frontliners” at social care staff.

Si William Shakespeare, 81, ng Warwickshire sa England,  ang unang lalaking pasyenteng nabigyan ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer-BioNTech. Binakunahan siya sa University Hospital Coventry, na matatagpuan 20 milya mula sa Stratford-Upon-Avon, ang bayang sinilangan ng kanyang katukayo na itinuturing na greatest dramatist at poet ng England.

Batay sa video ng NYP, ang Pinay nurse na si May Parsons din ang nagturok sa kanya ng bakuna.

Si May Parsons ay napabilang sa makasaysayang araw na ito sa United Kingdom dahil siya ang nagturok sa kauna-unahang pasyente sa buong mundo gamit ang COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer-BioNTech sa labas ng clinical trial.

Imahe mula sa NHS

Sinabi ni Parsons na isang malaking karangalan para sa kanya ang maging kauna-unahang nurse na makapagbigay ng bakuna sa pasyente. Si Margaret Keenan, 90-anyos, ang kauna-unahang pasyente sa buong mundo na tinurukan ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.

Ang UK ang isa sa mga bansa sa buong mundo na pinakagrabeng naapektuhan ng pandemya kung saan mahigit 61,000 ang sinawim-palad mula sa kabuuang 1.6 millon COVID-19 cases.

Tinawag ni UK Prime Minister Boris Jonhson ang “V-Day” na isang “huge step forward in the UK’s fight against coronavirus.” Matatandaang ilang araw din ang ginugol ng Prime Minister sa ICU sa kanyang pakikipagbuno sa COVID-19 noong unang bahagi ng 2020.

Screenshot mula sa Yahoo News video
Source :

GMA Network, PNA

Loading…