May Pasko rin sa Red Planet? Misteryosong pigura ng anghel nakunan ng larawan sa Mars

Imahe mula sa ESA
  • Isang misteryosong angelic figure ang nakita sa south pole ng Mars
  • Ang pigura ay nakunan ng Mars Express spacecraft ng ESA
  • Ayon sa space agency, ang dark color ng “anghel” ay dahil sa komposisyon ng mga sand dunes na binubuo ng mga minerals na matatagpuan din sa Earth gaya ng pyroxene at olivine

Habang papalapit na ang kapaskuhan  dito sa Earth, tila nakikiisa rin ang Mars sa espiritu ng holiday season tulad ng makikita sa isang larawan na ibinahagi ng European Space Agency (ESA). Kung may Santa Claus daw sa north pole ng mundo, sa south pole naman ng tinatawag na Red Planet ay mayroon daw anghel?

Imahe mula sa ESA

Ang misteryosong angelic figure ay nakuhanan ng spacecraft ng ESA na Mars Express gamit ang high resolution stereo camera. Malinaw na makikita ang hugis ng mga “pakpak” ng imahe na mayroon pang “halo” at ang “kamay” nito ay nakaunat.

Sa ibabang kanang bahagi naman ng pigura ay makikita ang isang malaking hugis “puso.”

“The defined wings of an angelic figure, complete with halo, can be seen sweeping up and off the top of the frame in this image,” bahagi ng inilabas na statement ng ESA.

Nangibabaw daw ang mala-anghel na hugis na matingkad na pula ang kulay dahil sa nakapaligid na Martian sand na light tan ang kulay.

Ayon sa space agency, ang dark color ng “anghel” ay dahil sa komposisyon ng mga sand dunes na binubuo ng mga minerals na matatagpuan din sa Earth gaya ng pyroxene at olivine.

Imahe mula sa ESA

Ayon sa ESA officials, ang “kamay” ng angelic figure ay posibleng isang malaking subterranean crater o hukay sa ibabaw ng Mars na nabubuo kapag ang ice doon ay nagiging gas tuwing summer months. Ang “ulo” at “halo” naman nito ay malamang na nabuo raw nang bumagsak doon ang isang celestial object.

Ang hugis puso naman ay resulta raw ng mga guhit sa mga bangin doon na nabuo dahil sa erosion.

Sinabi ng ESA na mukhang sabik na sa pagdating ng pasko ang mga researchers nila kaya ganoon ang naging interpretasyon sa larawang kuha ng Mars Express.

Source :

ESA, Haveeru

Loading…