Mayor Isko pinaiimbestigahan na ang diumano’y COVID vaccination sa Binondo

Image by Isko Moreno via Facebook
  • Nagkaroon umano ng vaccination kontra COVID-19 sa Binondo, Maynila
  • Napaulat ito sa balita Martes nang umaga, Disyembre 15
  • Kaagad ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang imbestigasyon sa insidente

Ipinag-utos na ni Manila Mayor Francisco ‘Mayor Isko’ Domagoso ang pagsisiyasat sa napaulat na umano’y hindi awtorisadong COVID-19 vaccination sa Binondo.

Naiulat nitong Martes nang umaga sa ‘Dobol B sa News TV’ ang tungkol sa nasabing kaganapan na hindi ipinaalam sa pamahalaang-lungsod ng Maynila.

Imahe mula sa Swiss-Belhotel International

Sa memorandum na inilabas ng alkalde, inatasan nito sina Dr. Arnold Pangan, acting city health officer; Levi Facundo, officer-in-charge ng Bureau of Permits; at Police Brigadier General Leo Francisco, Manila Police District’s director, na kaagad imbestigahan ang pangyayari.

“If true, this is definitely unauthorized since the undersigned has not ordered the same nor is he aware or informed that any national government agency will already conduct the said activity,” ani Mayor Isko sa kaniyang memorandum.

“Moreover the national government has not yet approve any form of COVID-19 vaccination. This unauthorized vaccination poses a great danger to the well-being and health of the people,” wika pa ng opisyal.

Imahe mula sa Pixabay

Kaugnay nito, binigyan ni Mayor Isko ang mga awtoridad ng hanggang 48 oras para magsagawa ng imbestigasyon at ibigay sa kaniya ang report ng kinalabasan nito para sa pagsampa ng kaukulang reklamo laban sa mga responsable.

Hindi naman nabanggit pa sa ulat kung saang banda sa Binondo ginawa ang pagbabakuna at kung anong klaseng vaccine ang ginamit.

Dati nang nagpaalala ang Department of Health (DOH) na wala pang inaaprubahang bakuna ang gobyerno kontra COVID-19 kaya ang anumang aktibidad na may kaugnayan dito ay hinid pinapayagan bukod pa sa mapanganib sa kalusugan ng tao.

Loading…