Mayor Vico Sotto muling nakasama ang pamilya matapos ang siyam na buwan; nag-iwan ng mensahe para sa lahat

  • Nagkita na ang mag-amang Vic at Vico Sotto matapos ang siyam na buwan
  • Makikita ang kanilang larawan kasama si Baby Tali sa mismong Instagram post ng alkalde
  • Nag-iwan din siya ng Christmas message para sa lahat ng mga taong kapiling at hindi kapiling ang kanilang pamilya dahil sa iba’t ibang dahilan

Awat muna sa trabaho si Pasig City Mayor Vico Sotto para makasama ang kaniyang pamilya para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Makikita sa Instagram post ni Mayor Vico na nasa bahay siya ng kaniyang amang si Vic Sotto, kasama ang kaniyang kapatid sa ama na si Baby Tali, na kaisa-isang anak nina Vic at Pauleen Luna-Sotto. Halos siyam na buwang hindi nagkita nang personal ang mag-ama dahil sa quarantine.

Imahe mula sa Instagram account ni Mayor Vico Sotto

“First time to see Papa, Pauleen, and Tali after 9 MONTHS!” panimulang pahayag ni Mayor Vico.

Nagbigay rin siya ng mensahe para sa lahat.

“For those of you who are able to spend time with your loved ones this Christmas – make the most of it! For those who are unable to do so because of work, quarantine, or other circumstances, let’s still find ways to celebrate the spirit of Christmas with one another… kahit virtually lang muna.”

“Nawa’y sa gitna ng maraming pagsubok ay maipadama pa rin natin sa isa’t isa ang tunay na diwa ng Pasko. MERRY CHRISTMAS!” saad ng mayor.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Marami ang natuwa sa pagkikita ng mag-ama. Deserve umano ni Mayor Vico ang pansamantalang break para makasama ang kaniyang pamilya, sa itinuturing na pinakamasayang araw ng mga Pilipino sa isang taon.

Nag-iwan din ng komento  si Pauleen Luna, ang misis ng kaniyang ama, gayundin ang ilang mga malalapit na kaibigan sa showbiz.

Imahe mula sa Instagram account ni Mayor Vico Sotto

“Thank you for making time! Merry Christmas!” saad ni Pauleen.

Sabi naman ng kilalang komedyante na si Allan K na kasama ni Vic bilang host ng Eat Bulaga, “Merry Christmas Mayor. At maraming maraming salamat!!! Alam mo na ‘yun!”

Sa isa sa mga naging episode ng “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga, inamin ni Allan K na malaki ang pasasalamat niya sa pamilya ni Vic, partikular kina Pauleen at Vico, dahil sila ang isa sa mga nag-asikaso sa kaniya nang tamaan siya ng COVID-19. Sa isang ospital din sa Pasig City na-confine si Allan K, na ngayon ay magaling na.

Maligayang Pasko Mayor Vico at sa buong pamilya Sotto!

Source :

Instagram

Loading…