Mensahe ni Pangulong Duterte ngayong Pasko: “We continue to survive and rise”

Screenshot mula sa YT video
  • Naglabas ng mensahe para sa Pasko si Pangulong Rodrigo Duterte
  • Hindi raw dapat mawalan ng pag-asa ang mga Pilipino
  • Hinimok niya ring alalahanin ang kuwento ng batang Hesus

Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga Pilipino kahit sunod-sunod na dagok ang dumating sa bansa ngayong taon, mula sa pandemya hanggang sa mga bagyo at baha.

Ito ang naging mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Pasko kung saan tiniyak niyang makababangon pa rin tayo dahil sa ating ‘indomitable spirit’.

“But through it all, we continue to survive and rise because of our unity, strength and indomitable spirit,” anang Pangulo sa isang televised address.

Screenshot mula sa YT video

Hinimok niya rin ang bawat isa na alalahanin ang kuwento ng batang Hesus upang patuloy na magkaroon ng pag-asa sa gitna ng mga paghihirap.

“This Christmas season, let the story of Jesus Christ’s birth remind us that we should always have hope even in darkness, poverty and suffering,” wika ni Pangulong Duterte.

“Let us also allow Christ into our lives so that we could bring love and cheer not only to our families and friends but also to those who are most in need. May we all have a meaningful celebration and let us be hopeful for the better days ahead,” dagdag na pahayag nito.

Kasalukuyang nasa Davao City ang Pangulo upang doon ipagdiwang ang Pasko kapiling ang kaniyang sariling pamilya.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Samantala, ipagdiriwang ng karamihan ang Pasko ngayong taon na walang magarbong Christmas party dahil sa ipinaiiral na health protocol. Marami naman ang patuloy na umaasang magkakaroon na ng bakuna sa mga darating na buwan upang makabalik na sa normal ang kanilang pamumuhay.

Umabot na sa mahigit 460,000 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa at patuloy pa rin itong tumataas.

Sa kabila nito, tiniyak ng pamahalaan na magkakaroon na ng COVID vaccine sa susunod na taon at umaasang makababangon na rin ang ekonomiyang nilugmok ng coronavirus pandemic.

Loading…