Mga bata pinapayagan na ng IATF na sumama sa mga magulang sa staycation

Imahe mula sa PNA
  • Pinapayagan na ng IATF ang mga menor de edad na sumama sa staycation ng buong pamilya
  • Kailangang magprisinta sila ng negatibong resulta ng RT-PCR test
  • Dapat manatili ang pamilya kung saan sila nag-i-staycation at hindi maaaaring lumipat ng ibang lugar

Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga menor de edad na sumama sa kanilang mga magulang sa mga staycation, ngunit may ilang kondisyones na inilatag ang IATF na dapat sundin upang mapahintulutan ito.

Imahe mula sa Shangri-La

Isa sa kondisyon para makapag-staycation ang buong pamilya ay ang pagkakaroon ng mga miyembro ng negatibong resulta ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) testing, ayon kay Depertment of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Nilinaw ni Sec. Año na dapat manatili ang pamilya kung saan ang kanilang staycation at hindi maaaring magtungo sa ibang lugar.

“Pinayagan ‘yung mga bata na kasama ‘yung magulang kapag mag-staycation, pupunta sa mga tourist destination provided meron din silang PCR testing. At doon lang sila sa compound ng kanilang pupuntahan. Halimbawa, Boracay, Balesin o Panglao, doon lang talaga sila. Hindi ka puwedeng maglo-loiter at kung saan pupunta, dapat point-to-point lang,” paliwanag ng kalihim.

Pinayuhan ni Sec. Año ang mga nagbabalak magsagawa ng staycation na alamin ang mga patakaran na ipinatutupad ng mga local government units dahil iba-iba raw ang hinihinging requirements ng mga ito.

Screenshot mula sa video ng DOT

Ayon naman sa Department of Tourism, ang mga staycation hotels sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at modified general community quarantine ay pinapayagan nang makapag-operate ng 100% at tumanggap ng mga bisita kahit anong edad.

Hindi maaaring tanggapin ang mga itinuturing na “high risks” tulad ng mga buntis at ang mga may comorbidity.

Source :

ABS-CBN, Philstar

Loading…