Mga batang nagbubuhat ng bato, nakatanggap ng pangarap na bisikleta

Image by Manjit Reandi via Facebook
  • Dalawang bata, nagtrabaho sa construction site bilang tagabuhat ng mga bato para makabili ng bike
  • Good Samaritan na napahanga sa kasipagan ng mga bata, niregaluhan sila ng bisikleta
  • Binigyan naman nila ng masarap na dough maestra at cold brew ang nagregalo

Ipinakita ng magpinsang sina Onyok, 16, at Dexter, 10, na kinakailangang pagsikapan ang mga bagay na nais makamtan. Pangarap nilang magkaroon ng bisikleta kaya’t nagtrabaho sila bilang part-time construction worker kasabay ang iba pang mga gawain.

Image by Manjit Reandi via Facebook

Dahil dito, napahanga si Facebook user Manjit Reandi (Kuya Jet) makaraang mabasa ang post ni Dexter sa isang FB group na hindi humihingi ng bike; bagkus ay naghahanap ito ng mabibili mula sa kanilang kinita.

Post ng isa sa mga bata, “Hello po, ako po si Dexter, 16  po ako, taga Taytay Rizal. Pangarap po ng pinsan ko at ako na mag-bike ngayong Pasko. May naipon na po kami na 1000 sa pagbubuhat ng mga bato sa construction.

“Palapag na lang po sa comments kung may bike po kayo na ‘di na nagagamit, or pwede ibenta samin na P1,000. [smiling emoji] Thank you po!”

Napag-alaman pa umano ni Kuya Jet na parehong nag-aaral ang dalawang masipag na bata. Maliban sa construction ay nagtatrabaho rin si Dexter bilang part-time dishwasher sa isang bakery na tumutulong sa kanilang pamilya.

Kaya’t nang makita ng Good Samaritan ang post ay kagyat na kinausap ang pinsang si Andre Genaro para samahan siyang bumili ng dalawang bisikleta para sa mga bata na deserving sa kanilang reward.

Ani Jet, “Speechless din sila which is nakakatuwa kasi even the owner of the bakery was crying when they saw the two new bikes for the kids.”

Nagpasalamat naman si Jet sa masarap na dough maestra na ibinigay sa kanya (luto mismo ng mga bata), maging sa cold brew.

Image by Manjit Reandi via Facebook

Habang ibinabahagi ito ay nakaabot na sa higit 5,300 reaksyon at nasa 1,100 shares ang post ng Good Samaritan.

Komento ng isa, “These kids are deserving. You really made their Christmas even merrier, sir! Good hearts are more blessed. Merry Christmas!”

Iba pang komento, “Aawwww Merry Christmas Jet, sana dumami pa good people like you!”

Image by Manjit Reandi via Facebook

Loading…