Mga batikang aktres na sina Cherie Gil, Iza Calzado napahanga kay Charlie Dizon sa Fan Girl

  • Maganda ang naging feedback ng mga bigating artista sa naging performance ni Charlie Dizon sa pelikulang “Fan Girl”
  • Ilan sa mga nagbigay ng kanilang magagandang komento ay sina Cherie Gil, Iza Calzado, at marami pang iba
  • Nasabi pa ni Gil na maaari na raw siyang magretiro sa showbiz

Hanga ang batikan at premyadong aktres na si Cherie Gil sa baguhang artistang si Charlie Dizon sa husay na ipinakita nito sa pelikulang “fan Girl,” katambal ang aktor na si Paulo Avelino, na itinaghal na “Best Picture” para sa makasaysayang Metro Manila Film Festival o MMFF 2020.

Makikita sa mismong Facebook post ni Cherie Gil ang kaniyang positibo at magandang feedback sa ipinamalas na acting performance ni Charlie na gumanap na “Jane,” isang panatikong tagahanga ng aktor na si Paulo Avelino, na ginampanan ng mismong sarili nito. Tinalbugan lang naman ni Charlie ang mahuhusay na aktres na kabilang sa iba pang mga pelikulang kalahok, gaya nina Iza Calzado, Sylvia Sanchez, Superstar Nora Aunor, at iba pa.

Public Domain Image

“With an avalanche of young actors popping up from everywhere now a days, I hardly can remember their names.
But I think I’ll remember this one… Charlie Dizon in the film FAN GIRL,” saad ng mahusay na aktres, na kasalukuyang gumagawa ng teledrama sa GMA Network na pinamagatang “Legal Wives.”

“She just seemed to have popped out of nowhere! But she sure has broken the mold of performances from the new breed and took it to another level. (An amazing level),” saad pa niya.

Dagdag pa niya: “Makes me want to retire… from acting.”

Madamdamin din ang mensahe ni Iza Calzado para kay Charlie.

“Mahal Kong Charlie, ang ginawa mong tama ay naging maayos ka sa pakikitungo sa mga tao. I saw that you are real and honest and humble. Most of all, I saw and felt the potential inside you. I saw it in your eyes on and off cam. I am so blessed to witness your journey to becoming a brighter star. Basta tandaan, let your head fly but keep your feet on the ground. I will forever be your fairy god ate!” saad niya.

Public Domain Image

Samantala, sa kaniyang Instagram post naman ay pinasalamatan ni Charlie ang mga taong naging dahilan upang maabot niya ang tagumpay na natamasa niya ngayon, lalo na kay Iza Calzado, na nakasama niya sa pelikulang “Pandanggo sa Hukay” noong 2019. Si Iza raw ang naging tulay upang makilala ni Direk Antoinette Jadaone si Charlie.

Loading…