Mga empleyado ng gobyerno makatatanggap ng hanggang P10K bilang ‘service recognition incentive’

Imahe mula sa PNA
  • Makatatanggap ng ‘service recognition incentive’ (SRI) ang lahat ng kuwalipikadong empleyado ng pamahalaan
  • Ang SRI ay hindi lalampas sa P10,000 at ipamamahagi ito simula sa Disyembre 21
  • Ang DBM naman ang naatasang magbalangkas ng guidelines para sa pamamahagi nito

Makatatanggap ng ‘one-time bonus’ ang mga kwalipikadong empleyado ng pamahalaan ngayong buwan ng Kapaskuhan bilang pagkilala sa kanilang naging serbisyo nitong taong 2020.

Base sa Administrative Order No. 37 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Disyembre 18, bibigyan ang mga trabahador sa pamahalaan ng hanggang P10,000 na ‘Service Recognition Incentives’ (SRI) “as rewards for a government employee’s loyalty and exceptional financial and operational performance” at upang hikayatin sila na lalo pang pag-igihan ang kanilang gawain.

Imahe mula sa Inquirer

“Government employees deserve to be rewarded for their collective and unceasing participation in and invaluable contribution to the administration’s continuing efforts toward the establishment of streamlined government processes and more responsive delivery of public services, especially in the midst of the public health emergency caused by the Covid-19 pandemic,” ayon sa AO.

Ang SRI ay hindi lalagpas sa P10,000 at makatatanggap nito lahat ng personnel ng national government agencies, kabilang na ang mga nasa state universities and colleges (SUCs), government-owned-or-controlled corporations (GOCCS), maging regular, contractual, o casual position man.

Kabilang din sa makatatanggap ang mga uniformed personnel ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Corrections, Philippine Coast Guard, at National Mapping and Resource Information Authority.

Samantala, ang mga empleyado namang nakapagserbisyo pa lamang ng apat na buwan pababa ay tatanggap rin ng pro-rated na halaga base sa tagal ng kanilang serbisyo.

Imahe mula sa Inquirer

Tatanggap din ng SRI ang mga trabahador na hindi pa nakatatanggap ng karagdagang yearend benefit para sa fiscal year 2020 at hiwalay ito sa mga benepisyong nasa ilalim ng Republic Act 8441.

HIndi naman kasali dito ang mga consultants, experts na binayaran ng pamahalaan para sa limitadong panahon; laborers na kinuha sa pamamagitan ng job contracts at binayaran ng piecework basis; student workers and apprentices; at mga trabahador o grupo na kinuha sa pamamagitan ng job orders, contracts of service at iba pang katulad na kontrata.

Ang pamamahagi ng SRI ay mula nitong Disyembre 21 at naatasan ang Department of Budget and Management (DBM) na magbalangkas ng guidelines para dito.

Loading…