Mga foreigners ang nagpapatakbo ng Mactan Airport – NBI

Imahe mula sa Wikipediaa
  • Sinampahan ng NBI ng kasong paglabag sa Anti-Dummy Law ang ilang Pinoy at mga dayuhan
  • Batay sa reklamo, mga foreigners ang nagpapatakbo ng Mactan-Cebu International Airport
  • Bukod sa Anti-Dummy Law, nilabag pa ng mga respondents ang 1987 Constitution na nagsasaad na bawal ang mga dayuhan na magkaroon ng kontrol at magmay-ari ng public utilities tulad ng airport

Isiniwalat ng National Bureau of Investigation (NBI) sa social media page nito na sinampahan na nila ng kaso ang limang Pinoy kabilang ang isang mataas na opisyal ng Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA) at labing-isang foreign nationals dahil sa paglabag sa Anti-dummy Law.

Imahe mula sa NBI

“The National Bureau of Investigation today announced the filing of charges by the NBI-Anti-Fraud Division (NBI-AFD) before the Department of Justice against five Filipinos including a high-ranking official of Mactan-Cebu International Airport Authority and eleven foreign nationals for violation of the Anti-Dummy Law,” bahagi ng post ng NBI sa Facebook noong December 4, 2020.

Ayon kay NBI Director Eric Distor, ang isinampang kaso ay nag-ugat sa isang reklamo na diumano ay mga dayuhan, sa halip na mga Pinoy, ang gumaganap sa executive at managerial positions ng Mactan-Cebu International Airport (MCIA) na isa umanong paglabag sa franchise rule na ipinagkaloob sa GMR Megawide Cebu Airport Corporation (GMCAC).

Ang GMCAC ay consortium ng Filipino company na Megawide Construction Corporation at GMR Group na isang Indian company.

Imahe mula sa MCIA

“Based on the evidence, the MCIA is operated, administered, and managed by non-Filipinos, more particularly by an Irish, a Ghanaian and several Indians who have profound control, enjoyment and control over a Philippine public utility. Evidence submitted … and gathered by the investigators showed that the foreign nationals were actually performing executive and managerial positions,” saad ng reklamo ng NBI na inihain sa Department of Justice.

Imahe mula sa MCIA

Sinabi pa ni Distor na bukod sa Anti-Dummy Law, nilabag pa ng mga respondents ang 1987 Constitution kung saan nakasaad na ipinagbabawal ang mga dayuhan na magkaroon ng kontrol at magmay-ari ng isang public utilities tulad ng airports.

Loading…