Mga grupo nangangamba sa pilot face-to-face classes

Imahe mula sa PNA
  • Nanawagan ang ilang mga grupo na siguraduhin muna ang seguridad ng mga mag-aaral bago ituloy ang dry run ng face-to-face classes sa darating na taon
  • Ayon sa isang grupo, bukod sa maks, alcohol, at physical distancing ay kailangan din ng supply ng tubig, maayos na clinic, sapat na school nurse, at maliit na bilang ng mag-aaral bawat klase
  • Ang isa pang grupo, sinabi namang mahirap masigurado kung low risk nga ang mga piniling area dahil walang nagaganap na mass testing

Nangangamba ang ilang mga grupo para sa kaligtasan ng mga mag-aaral kaugnay ng balak ng gobyerno na magsagawa ng pilot face-to-face classes sa ilang mga lugar sa Enero.

Imahe mula sa PNA

Ang Alliance of Concerned Teachers (ACT), sinabing marami munang kailangang asikasuhin upang masiguradong mapoprotektahan ang mga estudyante mula sa COVID-19.

Ilan sa mga problemang tinutukoy ng ACT ay ang kakulangan sa water supply, maayos na clinic, kawalan ng school nurse, at maging ang malaking bilang ng mga mag-aaral sa bawat klase.

“Our teachers and learners cannot be saved by face masks, alcohol, and physical distancing alone. We are dealing with active children here. The best protection for them is a safe, preventive, and pandemic-responsive learning environment,” sabi ni ACT Secretary General Raymond Basilio.

Samantala, nangangamba naman si National Union of Students of the Philippines (NUSP) President Jandeil Roperos kung paano masisiguradong mababa nga ang COVID risk sa isang lugar kung hindi naman nakapagsasagawa ng mass testing.

Imahe mula sa PNA

“How can the national government scientifically and medically assess if an area is considered of low COVID-19 risk if there is still no mass testing and thorough contact tracing? Reopening face-to-face classes without a comprehensive health program will only subject students and teachers to the dangers of the still unresolved pandemic,” aniya.

Matatandaang sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na mas mababa ang risk ng pagkahawa sa mga paaralan kumpara sa bahay.

“Sinasabi na lahat ng pag-aaral ay nagpapakita na ang pinaka-lowest threat ay sa schools. Ang malaking posibilidad ay sa homes kasi that is where they spend most of their time and other places,” paliwanag niya.

Naghahanda na sila ng listahan ng mga eskwelahan na makikibahagi sa pilot face-to-face classes ngunit tumanggi nang sumali rito ang Metro Manila, Davao, at Cotabato.

Loading…