Mga kakaibang pangalan muling binalikan

  • Muling binalikan ng mga netizens ang mga taong may kakaibang pangalan
  • Karamihan sa kanila ay masaya naman sa kanilang mga pangalan, na may kakaiba ring kuwento sa likod nito
  • Sa ilalim ng Republic Act of 1948, maaaring papalitan ang pangalan o first name ng isang tao

Ang pagbibigay ng pangalan sa isang tao sa kaniyang pagkakasilang ay mahalaga sapagkat ito ang unang hakbang sa pagkakaroon niya ng identidad o sariling pagkakakilanlan. Sa pagdaan ng panahon, iba-iba ang nagiging paraan ng mga magulang sa pagbibigay ng pangalan sa kanilang mga supling: may kumuha sa Bibliya, sinusunod sa pangalan ng mga ninuno, artista, sikat na personalidad, o kaya naman ay bumubuo ng mga kakaiba o kakatwa.

Kagaya na lamang ng ilang mga taong may mahahaba at kakaibang pangalan, na itinampok sa programang “Rated K” ng ABS-CBN noong 2018. Una na rito ang pangalang “Tsianina Levounne Amberly Reese Heather Margaret” na talaga namang mapapakamot ka sa pagkabisado, at pagsulat sa papel kapag may kailangang sagutang pormularyo.

Public Domain Image

Nariyan din si “Drink Water” Rivera na ipinangalan sa paglilihi ng kaniyang ina sa tubig, noong ipinagbubuntis pa lamang ito. Aniya, wala raw pakialamanan dahil iyan ang nais niyang maging pangalan ng kaniyang anak. Kahit na ganito ang kaniyang pangalan, wala naman daw nagtatangkang mambuska sa kaniya, dahil siya ay isang honor student.

Hindi rin papakabog si “Sincerely Yours ’98” Pascual, na paliwanag niya, bentahe para sa kaniya ang pagkakaroon ng unique na pangalan. Salaysay niya, natatanggap kaagad siya sa trabaho dahil kapag tinatanong ng employer kung bakit ganoon ang kaniyang pangalan, napapakuwento na siya, at nailalahad niya ang kuwento sa likod nito.

Bukod sa kaniya, kakaiba rin ang pangalan ng kaniyang kapatid na lalaki, na tinawag namang “Macaroni ’85” at “Spaghetti ’88.” Natutuwa naman daw sila sa naisip na paraan ng pagpapangalan sa kanilang magkakapatid dahil may dating o recall daw sa tao, kapag nababanggit.

At nang magkaanak naman si Spaghetti ’88, pangalan din ng pagkain ang ipinangalan niya sa kaniyang anak na lalaki. Siya ay si “Cheese Pimiento.”

Image capture mula sa YouTube channel

Samantala, nariyan din ang tatlong magkakapatid na lalaki na pawang katinig o consonants ang bumubuo sa kanilang pangalan. Nariyan sina “Pzxydynn Yzzyr,” “Djknyll Rysym,” at “Dzywrygh Lynzh.”

Ang pagpili ng pangalan ng magiging anak ay isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng pagiging isang magulang. Ayon sa “The Asian Parent Philippines,” nararapat na ikonsidera ang mga sumusunod: estilo, popularidad, pangalang magugustuhan kahit paulit-ulit, may kaugnayan sa ibang tao, pook o bagay, akma sa pagtanda, maipagmamalaki ng mga anak, at may magandang kahulugan.

Samantala, sinomang nagnanais na baguhin ang kanilang pangalan ay naaayon sa Republic Act of 1948. Kung ikaw ay nasa 18 taong gulang pataas, maaaring magsadya sa local civil registry office upang isagawa ito.

Samantala, panoorin ang naturang episode ng Rated K via YouTube channel:

<iframe width=”853″ height=”480″ src=”https://www.youtube.com/embed/KSkyumLNsm0″ frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen></iframe>

Loading…