Mga magulang at mall owners na magpapapasok ng menor de edad sa malls, winarningan

Screenshot mula sa ANC
  • Mga magulang, mall owners pananagutin kapag hinayaang makapasok ng shopping malls ang mga minors
  • May kaakibat na kaparusahan sa parents at mall owners ang paglabag
  • Ang penalty na ipapataw ay depende sa ordinansa mula sa mga LGUs

Nagbigay ng babala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga magulang at mall owners. May kaparusahang ipapataw sa kanila kapag hinayaan nilang makapasok sa mga shopping malls ang mga menor de edad ngayong may COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa Pilipino Mirror

Ang warning ay kasunod ng desisyon ng Metro Manila mayors na hindi payagan ang mga kabataang edad 17 pababa na lumabas ng kanilang tahanan kung hindi naman mahalaga ang sadya.

Ang penalty, ayon kay MMDA general Manager Jojo Garcia, ay depende sa ordinansa ng mga local government units (LGUs).

“There are corresponding penalties and it depends on the ordinance of the local government units,” ani Garcia.

Pinaalalahanan ni Garcia ang mga mall owners pati na ang mga LGUs na responsibilidad ng mga ito na siguruhing walang minors ang papayagang magtungo sa mga shopping malls at iba pang outdoor areas.

“The responsibility will be on the mall owners. If you remember recently there were establishments that have been warned and in fact, a golf course has been closed,” aniya.

Imahe via Zoom

Pananagutin din ang mga magulang na hahayaang lumabas ang mga menor de edad nilang mga anak. Hindi na umano kailangan dito ang bagong ordinansa.

“There will be no more new ordinance to make because there are already existing rules that allow only 18 to 65 years old, except for essentials,” paliwanag ni Garcia.

Ang pagbabawal na palabasin ang mga minors ay rekomendasyon ng Philippine Pediatrics Society and Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines.

Screenshot mula sa NXT video

“Because of having high immune system, pediatrics experts said that minors who are infected of COVID-19 are usually asymptomatic carriers of the virus. They might be transmitting the virus unknowingly, especially to those vulnerable,” ani Garcia.

Samantala, pinuri ni Sec. Eduardo Año ng Department of Interior and Local Government ang desisyon ng mga mayors na pagbawalan ang mga minors na lumabas habang may pandemya.

Imahe mula sa PCOO

Loading…