Mga mambabatas na sangkot umano sa katiwalian sa DPWH projects pinangalanan ng Pangulo

Screenshot mula sa RTVM video
  • Pinangalanan ni Pang. Duterte ang siyam na mambabatas na diumano’y sangkot sa katiwalian sa DPWH projects
  • Ilang district engineers ng DPWH ang sinibak ng Pangulo kaugnay ng corrupt activities sa ahensya
  • Inalmahan ng mga pinangalanang mambabatas ang pagkakadawit nila sa listahan na ginawa ng PACC

Ibinunyag na ni Pangulong Rodrigo Dutrete ang mga pangalan ng siyam na mambabatas mula sa listahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na diumano ay dawit sa korapsyon kaugnay sa mga infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Imahe mula sa PACC

Kaugnay rito ay sinibak ng Pangulo ang ilang district engineers ng DPWH dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa mga corrupt activities.

Inatasan niya si DPWH Secretary Mark Villar na agad ipatupad ang pagsibak sa mga district engineers.

Ang mga mambabatas na pinangalanan ni Pang. Duterte ay sina Occidental Mindoro Representative (Rep.) Josephine Ramirez Sato, Quezon City Rep. Alfred Vargas, Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal, Isabela Rep. Alyssa Sheena Tan, Northern Samar Rep. Paul Daza, Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan, ACT-CIS Party-list Rep. Eric Yap, Bataan Rep. Geraldine Roman, at ang dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat, Jr.

Nilinaw ng Pangulo sa publiko na wala pang matibay na ebidensya laban sa mga mambabatas. Ang pagbubunyag na ginawa niya ay hindi raw nangangahulugan na guilty na ang mga ito.

Screenshot mula sa RTVM video

“The public should be aware that there is no hard evidence, that’s one. That it can be translated by just reading the names that they are already guilty because presumption of innocence would lie all throughout until conviction or acquittal. Hindi ito ebidensya na ano sila. Kaya lang lumabas ‘yung mga pangalan nila at kailangan kong sabihin sa mga tao, otherwise I’d look stupid,” paliwanag ng Pangulo.

Inalmahan naman ng mga mambabatas ang alegasyon ng PACC laban sa kanila.

“Mukha pong napadalhan ang PACC ng maling impormasyon ng mga nakakalaban natin sa pulitika,” sabi ni Rep. Alfred Vargas.

Imahe mula sa Facebook account ni Rep. Alfred Vargas

“It stemmed from, what I believe, a malicious complaint filed before the PACC by my local political opponents,” sabi naman ni Rep. Paul Daza.

Sinabi naman ni Rep. Eric yap na ang listahan ng PACC ay ibinatay sa mga anonymous tips na hindi ginawan ng imbestigasyon.

Source :

ABS-CBN, CNN PH

Loading…