Mga manginginom, pinaghihinay-hinay sa pagtagay bago at pagkatapos magpaturok ng COVID-19 vaccine

Imahe mula sa Open Rice
  • Pinaalalahanan ng DOH ang mga Pinoy na iwasan ang pag-inom ng nakalalangong inumin bago at pagkatapos magpaturok ng COVID-19 vaccine
  • Ang pahayag ng DOH ay kasunod ng kaparehong pahayag na ginawa ng Russia para sa mga mamamayan nito
  • Inaasahan na magkakaroon na ng COVID-19 vaccine sa bansa sa Marso ng susunod na taon

Nagbigay ng isang paalala ang Department of Health (DOH) sa mga manginginom na magdahan-dahan sa pagtagay ng mga nakalalangong inumin na posibleng makaapekto sa bisa ng COVID-19 vaccine na inaasahang malapit nang dumating sa bansa.

Screenshot mula sa ABS-CBN Video

Ang pahayag ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire ay kasunod ng advisory ng Russia sa mga mamamayan nito na iwasan ang pag-inom ng alak sa loob ng halos dalawang buwan dahil ang kanilang Sputnik V vaccine kontra sa COVID-19 ay umeepekto makalipas ang 42 days.

Ayon sa Russian officials, nakababawas sa lakas ng immune system ng katawan ang alak.

“It’s a strain on the body. If we want to be healthy and have a strong immune response, don’t drink alcohol,”sabi ni Anna Popova, chairman  consumer health watchdog sa Russia.

Sinang-ayunan ng DOH ang pahayag na ito.

“’Yung sinasabi na nagkaroon ng warning in Russia na umiwas muna sa pag-inom ng alak prior and after receiving the vaccine, these are just precautionary measures,” ani Usec. Vergeire.

“We all know that when you drink alcohol, especially if you drink it too much, bumababa ang immunity natin. And when you take a vaccine, para mag-work sa iyo ang bakuna kailangan robust ang system mo, ‘yung immune system mo ay maayos para nakakapag-develop ng antibodies ang iyong katawan,” paliwanag pa niya.

Imahe mula sa Fierce Pharma

Ang paalala ng DOH ay kaugnay ng nalalapit nang pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccine.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay sinabi ni Food and Drug Administration Director General Eric Domingo na posibleng sa buwan ng Marso ng susunod na taon ay magiging available na ang bakuna sa bansa.

 

Source :

Philstar, ABS-CBN

Loading…