Mga menor de edad sa Metro Manila hindi papayagan sa Simbang Gabi

Imahe mula sa FilCatholic
  • Mga menor de edad hindi papayagan sa Simbang Gabi
  • Inihayag ng MMDA na nagdesisyon ang lahat ng Metro Manila mayors na huwag payagang lumabas ng bahay ang mga menor de edad para magpunta sa malls at mag-Simbang Gabi
  • Naglabas ang CBCP ng guidelines hinggil sa mga pagbabago sa Simbang Gabi ngayong may pandemya

Sa kabila ng mga pagluluwag sa lockdown restrictions, ang mga menor de edad sa Metro Manila ay hindi pinapayagang mag-Simbang Gabi habang nanatili pa rin ang banta ng COVID-19 sa bansa.

Imahe mula sa Philippine Lifestyle

Ipinahayag ni Metropolitan Manila Development Authority General Manager na si Jojo Garcia na lahat ng 17 mayors ng Metro Manila ay nagkaisang huwag payagan ang mga menor de edad na lumabas ng bahay para sa mga non-essential purposes, kasama na ang pagpunta sa mga shopping malls at Simbang Gabi.

“Definitely po bawal din sa Simbang Gabi,” wika ni Garcia.

Ang desisyon ng Metro Manila mayors ay batay umano sa payo ng mga health experts na kinonsulta nila.

Samantala, naglabas ng guidelines ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) hinggil sa selebrasyon ng tradisyunal na Simbang Gabi na siyang hudyat ng pagsisimula ng Christmas Season sa Pilipinas.

Magkakaroon ng adjustment sa oras ang Simbang Gabi na dati ay ginagawa tuwing alas-tres ng madaling araw hanggang alas-singko ng umaga. Gagawin na itong alas-sais ng gabi para sa anticipated mass at alas-sais ng umaga ang huling misa.

Nilinaw ng CBCP na ang ipatutupad na pagbabago sa oras ng mga misa na magsisimula sa December 16 at matatapos sa December 24 ay habang may COVID-19 pandemic lang.

Imahe mula sa Unang Hirit

Bukod sa pagbabago ng oras, lilimitahan din ang pag-awit sa loob ng simbahan. Ang mga members ng choir ay babawasan o kaya ay tuluyan nang aalisin.

Ineengganyo rin ng CBCP ang mga magsi-Simbang Gabi na magdala ng sariling imahen ng Infant Jesus dahil hindi pa rin pinapayagan ang paghalik o paghaplos sa mga imahen.

Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…