Mga murang unan, gamit na face mask ang laman?

Imahe mula sa Facebook | Jovelyn Sarmiento Gabelo
  • Nagulat ang ilang residente ng Carmona, Cavite nang buksan ang mga unan na nabili nila sa murang halaga kamakailan
  • Mga face mask kasi ang laman ng mga ito
  • Nangangamba silang maging sanhi iyon ng pagkahawa sa mga sakit kabilang na ang COVID kaya nagbabala sila sa mga nakabili ng kaparehong unan

Nagbabala ang isang netizen tungkol sa mga unan na nabibili sa murang halaga ngunit naglalaman naman ng diumano ay mga gamit nang face masks.

Imahe mula sa Facebook | Nying Carao

Kuwento ni Jovelyn Sarmiento Gaelo, nakabili ng unan sa halagang P50 ang kaniyang mga kapitbahay mula sa mga naglalako sa kanilang lugar sa Carmona, Cavite kamakailan ngunit nagulat sila nang madiskubre kung ano ang nasa loob nito.

“Maging aware po tayong lahat. Sa mga bumili ng unan sa halagang P50 sa mga naglalako diyan, ang laman po ng unan ay mga gamit na face mask. Maraming sakit po ang makukuha natin dito. Isa na ang coronavirus,” paalala ni Jovelyn kalakip ang mga larawan.

Makikita sa mga larawan ang kumpol ng face masks na galing sa unan.

Ilang netizens pa na nakabili rin ng murang unan ang sinubukang buksan ang nabili nila at napatunayan nga ang sinasabi ni Jovelyn na face mask ang laman nito.

Imahe mula sa Facebook | Erika Dacara Marfil

Noong Oktubre ay ipinahayag ni DIWA Rep. Michael Edgar Aglipay ang pangangailangan sa mas mahigpit na panuntunan kaugnay sa pagtapon ng medical wastes kagaya ng face masks at face shields sa pamamagitan ng paghahain ng House Resolution 1244.

Layon niyo na himukin ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na gumawa ng mas mahigpit na guidelines ukol dito.

“The proper disposal of such medical waste is not only a vital part of defeating COVID-19 but also a means to ensure that future generations have a ‘balanced and healthful ecology in accord with the rhythm and harmony of nature’ as guaranteed by no less than the 1987 Philippine Constitution,” ani Aglipay.

Hiling ng mga residente, sana ay mapanagot ang mga nasa likod nito.

 

Source :

Facebook, PNA

Loading…