Mga nagpaturok ng ‘di awtorisadong COVID-19 vaccine dapat magpakonsulta sa doktor – FDA

Imahe mula sa Pixabay
  • Dapat komunsulta sa doktor ang mga taong nagpaturok ng hindi awtorisadong COVID-19 vaccine
  • Sinabi ng FDA chief na wala pang aprubadong COVID-19 vaccine sa Pilipinas
  • Hinihikayat ng FDA ang publiko na huwag tangkilikin ang mga unauthorized immunization

Dapat umanong magpakonsulta sa doktor ang mga taong nagpaturok ng hindi awtorisadong COVID-19 vaccine dahil sa peligrong kanilang sinuong, ayon kay Food and Drug Administration (FDA) chief Eric Domingo.

Imahe mula sa PNA

“It’s a risk that you have taken. You know, you have had something injected on your arm, on your body and I do not know what it is. I don’t know if your doctor knows what it is,” sabi ni Domingo.

Dahil hindi naman awtorisado ang tinanggap na bakuna, wala araw doktor na magbibigay sa kanila ng sertipikasyon na nabakunahan na sila ng COVID-19 vaccine.

“I don’t think anybody will be able to give a certification that you have been vaccinated, so you have to consult your doctor what your next step is going to be because I personally have no answer for that,” anang FDA chief.

Ang pahayag ni Domingo ay kaugnay ng isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami nang naturukan ng COVID-19 vaccine, partikular na ang mga militar. Kinumpirma ni Lieutenant General Cirilito Sobejana, ang Philippine Army chief, ang naging pahayag ng Pangulo.

Imahe mula sa WesMinCom

“I know of some but I could just not disclose the unit. Ayun na po, personally, I know na mayroon nang nabakunahan sa hanay ng Armed Forces,” ani Lt. Gen. Sobejana.

Ang kanilang desisyon na magpabakuna ay bunsod umano ng sinabi ni Pangulong Duterte na gusto niyang maunang mabakunahan ang mga uniformed personnel na nagpapatupad ng peace and order.

“Of course, our President is our commander-in-chief sa AFP, I should say that it’s from the chain of command of the Armed Forces. We are optimistic naman po na itong vaccine na naibigay sa ating mga sundalo ay magiging epektibo para lalo tayong makapagbigay ng magandang serbisyo sa ating mga kababayan,” sabi pa niya.

Binigyang-diin naman ni FDA chief Domingo na pananagutin ang nagbigay ng hindi awtorisadong COVID-19 vaccine.

Imahe mula sa Pixabay

“For the consumer, there’s nothing we can do about it. It’s a personal choice but it is illegal to import an unregistered product, and to distribute it, and for a doctor, medical practitioner or any health personnel to administer unlicensed drugs in the country. So, if we do catch any of them, we will be filing cases against them,” banta niya.

Ayon pa kay Domingo, sa ngayon ay wala pang aprubadong COVID-19 vaccine sa Pilipinas. Nanawagan siya sa publiko na huwag tangkilikin ang mga unauthorized immunization.

Loading…