Netizens nagbigay ng reaksyon sa pagkakapili kina Liza Soberano, Ivana Alawi bilang 2 sa “100 Most Beautiful Faces” sa buong mundo

  • Pasok pa rin sa listahan ng 100 Most Beautiful Faces of 2020 sa buong daigdig si Liza Soberano
  • Unang beses namang mapabilang ni Ivana Alawi rito
  • Dalawa lamang silang Pilipina na nakapasok sa listahan

Dalawang Pilipina at Kapamilya stars na sina Liza Soberano at Ivana Alawi ang nakapasok sa United Kingdon o UK-based TC Candler’s 2020 list of 100 Most Beautiful Faces sa buong daigdig.

Ito ang unang beses na napasama sa listahan ang sikat na social media influencer na si Ivana na nasa ika-11 spot. Si Liza naman, sa ikalawang banda, ay nasa ika-14 spot, mula sa ika-10 spot noong 2019. Anim na beses na siyang napasama sa listahang ito. Noong 2017, siya ang nasa unang spot.

Public Domain Image

Sina Liza at Ivana lamang ang tanging mga Pilipina na nakapasok sa naturang pagkilala ngayong 2020. Ano nga ba ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil dito?

“Syempre. Alangan namang ‘di masasali iyang mga iyan eh charisma pa lang nila nakakalula na. Congratulations kina Liza and Ivana! Well-deserved! Hindi lang sila maganda physically, they are women with substance pa,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Nice! But I would say hindi credible ‘yung poll nila. Biased siya based sa interest ng page.”

“Filipinas are beautiful. Whether they are in top list or not, Filipinas really stand out. Remember that. Sa ibang mga Filipina celebrities, better luck next time!” pahayag naman ng isa.

Samantala, nagpasalamat naman ang TC Candler sa kanilang TouTube Channel dahil sa magagandang feedback na kanilang natamo. Talagang pinag-usapan ng iba’t ibang bansa ang naturang listahan.

“A massive thank you to everyone who took the time to watch, subscribe, like and comment. The response has been overwhelmingly positive as always. We are so happy that you loved the silly jokes again. We will continue to do that and spread a little joy while watching. We sincerely wish all of you a better 2021 than 2020,” saad nila sa caption.

Public Domain Image

Panoorin ang video ng “The 100 Most Beautiful Faces of 2020” sa YouTube Channel ng TC Candler.

Loading…