Mga opisyal at kawani ng barangay, gawing regular at bigyan ng fixed salary – Sen. Manny Pacquiao

Imahe mula sa Facebooik account ni Sen. Manny Pacquiao
  • Naghain ng panukalang batas si Sen. Manny Pacquiao upang kilalanin ang serbisyo ng mga opisyal at kawani ng barangay
  • Sa ilalim ng Senate Bill No. 1956, magkakaroon ng fixed salary ang mga ito at bibigyan ng iba pang benepisyo na itinatakda ng batas
  • Tinawag ni Sen.Pacquiao ang mga barangay workers na “limot na bayani” dahil sa halip na papurihan gaya ng health at security frontliners, kadalasan ay nababatikos pa

Tinawag ni Senator Manny Pacquiao ang mga opisyal at kawani ng barangay na mga “limot na bayani” kaya’t naghain siya ng isang panukalang batas upang kilalanin ang kanilang mga sakripisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng fixed salary at iba pang mga benepisyo.

Imahe mula sa Barangay 35, Bacolod City

Inihain ng senador noong Miyerkules, December 16, ang Senate Bill No. 1956 na tinatawag na “Barangay Officials Salary Standardization Act of 2020.”

Sa ilalim ng panukala ay isinusulong ni Sen. Pacquiao ang kapakanan ng mga barangay officials at personnel sa pamamagitan ng regularisasyon, salary standardization at pagbibigay ng special risk allowance sa mga panahon ng kalamidad, emergency at iba pang katulad na sitwasyon na idedeklara ng national government.

Sa kanyang paliwanag sa inihaing panukala, habang ang mga health at security sector raw ay umaani ng mga papuri dahil sa kanilang papel sa umiiral na health crisis, ang mga kawani at opisyal ng mga barangay – bukod sa hindi na nga napupuri, kadalasan ay binabatikos pa.

“We are all witness to the selfless service of barangay officials and personnel in the performance of their responsibilities. Napakalaki ng tulong nila lalo na sa panahon ng pandemya. Sila ang ating kasangga sa pagtulong sa ating mga kababayan,” ani Sen. Pacquiao.

Screenshot ng panukalang batas ni Sen.Manny Pacquiao

“Despite the danger to their own health, barangay personnel assisted in the monitoring and helped in identifying the seriously Covid-19 afflicted in their barangays, and to push the objective to completion, in many cases they promptly brought them to hospitals and identified quarantine facilities,” dagdag pa niya.

Iminungkahi niya na magkaroon ng standard fixed salary ang mga kapitan, konsehal, Sangguniang Kabataan chairperson, barangay secretary at barangay treasurer.

Imahe mula sa Cavite City LGU

At katulad ng mga kawani ng pamahalaan, dapat din umano silang mabigyan ng 13th month pay at mga bonus na itinatakda sa batas. Kasama rin sa panukala na mabigyan sila ng regular na rice allowance.

Loading…