Mga pagamutan pinaghahanda sa posibleng allergic reactions ng mga pasyente sa COVID-19 vaccine

Imahe mula sa DW
  • Pinaghahanda ni Sec. Duque ang mga pagamutan sa posibleng allergic reactions ng mga pasyenteng mabibigyan ng COVID-19 vaccine
  • Ang direktiba ni Sec. Duque ay kasunod ng advisory na inilabas ng UK sa sinumang may history ng allergic reactions sa mga gamot o pagkain na huwag na munang magpaturok ng COVID-19 vaccine
  • Sinabi ni Duque na dapat maghanda ng mga gamot ang mga pagamutan para sa adverse effects ng COVID-19 vaccine
  • Dalawang Briton ang napaulat na nagkaroon ng allergic reactions matapos mabakunahan ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine

Hindi pa man nasisimulan ang COVID-19 mass vaccination sa bansa ay pinaghahanda na ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang mga pagamutan ng panlunas para sa posibleng allergic reactions ng mga pasyenteng matuturukan ng bakuna kontra sa coronavirus.

Imahe mula sa Fierce Pharma

Kailangan daw na maidokumento ang allergic reactions o adverse effects sa pasyente pagkatapos ng pagbabakuna.

“Dapat paghandaan din kung magkaroon ng ganun, kailangang handa ang mga ospital na makapagbigay ng mga gamot katulad ng epinephrine o adrenaline,” wika ni Sec. Duque.

Ang direktiba ni Sec. Duque ay kasunod ng advisory na inilabas ng United Kingdom (UK) sa sinumang may history ng allergic reactions sa mga gamot o pagkain na huwag na munang magpaturok ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer-BioNTech at baka magkaroon pa ng mas malaking problema.

Ini-report ng Medicines and Healthcare Products Regulatory Agency ng UK na dalawang staff ng National Health Service sa England ang nakaranas ng allergic reaction matapos mabakunahan noong Martes, December 8, nang ilunsad ng bansa ang mass vaccination program kontra sa COVID-19. Nakarekober na umano ang mga ito.

Screenshot mula sa ABC video

“Sinasabi nga nila sa advisory nila kung meron kang tukoy na allergy, ke sa gamot, ke sa pagkain, sa ibang bagay, ‘wag ka na lang munang magpaturok kasi nga posibleng magkaroon ng malubhang allergy, mauwi sa anaphylactic shock na pwedeng magkaproblema,” sabi ng kalihim patungkol sa advisory ng UK sa mga mamamayan nito.

Ibinalita ni Duque na posibleng sa Marso o kaya ay sa ikalawang quarter ng 2021 magiging available ang COVID-19 vaccine sa bansa.

Screenshot mula sa Facebook video ng RTVM
Source :

Remate, The Hindu

Loading…