Mga Pinoy netizens nagbigay ng reaksyon sa pahayag ng pangulo ng Brazil hinggil sa COVID-19 vaccine

  • Pinag-usapan ang pahayag ni Brazil President Bolsonaro hinggil sa COVID-19 vaccine na ginawa ng Pfizer
  • Hindi kasi siya kampante rito dahil wala raw sagutin ang kompanya sa magiging side effect nito sa tao, batay sa nakasaad sa kontrata
  • Kung magiging monghe o buwaya raw ang tao, hindi na raw nila problema iyon; bagay na binigyang-reaksyon naman ng mga Pinoy netizens

Wala umano sa bokabolaryo ng pangulo ng bansang Brazil na si President Jair Bolsonaro  na magpabakuna ng COVID-19 vaccine kahit pa tinamaan na siya ng sakit noon, kasabay ang pagbibigay-babala sa publiko, na walang pananagutan ang kompanyang gumawa ng bakuna, sa magiging side effect nito sa tao, kahit pa maging “alligator” o buwaya pa sila.

Kumakalat sa social media platforms, partikular sa isang Twitter post, ang video clip ng kaniyang talumpati, na nagsasabing hindi magiging sagutin ng Pfizer kung anoman ang magiging epekto ng gamot na ginawa nila kontra COVID-19,  bagay na nakababahala.

Public Domain Image

“Pfizer’s contract is very clear. We (The company) are not responsible for any side effect,” saad ni Bolsonaro.

Sinabi pa ng pangulo ng Brazil na “walang pakialam” ang naturang kompanya kung magiging monk o kaya naman ay alligator o buwaya sa wikang Filipino, ang mga taong mababakunahan nito.

“If you become a monk, If you turn into a crocodile, it’s your problem,” saad pa niya.

Dagdag pa niya, “If you become superhuman, if a woman starts to grow a beard or if a man starts to speak with an effeminate voice, they will not have anything to do with it.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens, pati na rin sa mga Pilipino. Mabilis nila itong iniugnay sa sistema ng politika sa Pilipinas.

“Dito sa Pilipinas, kahit hindi magpabakuna niyan, marami na ang buwaya, kaya no need na talaga hahaha. Natawa ako sa statement niya,” sabi ng isa.

Public Domain Image

Turan naman ng isa, “Buwaya ba kamo? Naku, marami niyan dito sa Pilipinas. Halos lahat yata ng sektor ng lipunan, may buwaya. Mga matataba, masisiba, at ganid na buwaya.

“Why is it that many people are doubtful about this vaccine? Even the politicians are afraid of who will be the first to be vaccinated. So strange. Natatakot ba kayong lumabas ang tunay ninyong anyo, na buwaya talaga kayo? saad naman ng isang netizen.

Pahayag naman ng isa, “Ay winner! Sanay naman po kami sa mga buwaya, isama na ninyo ang mga ahas. Nagkalat po iyan lalo na sa pamahalaan.”

Ang buwaya kasi ay may konotatibong pagpapakahulugan bilang ganid o sakim. Ito ay kadalasang  ikinakapit sa mga tiwaling politiko, pulis, o sino mang may katungkulang ginagamit ang kanilang posisyon para sa pansariling interes. Ang kasingkahulugan ng katiwalian ay “korapsyon.”

Ang idyomatikong pahayag naman na “luha ng buwaya” ay nangangahulugang peke, huwad, o hindi tunay. Nagpapanggap o nagpapakitang-tao lamang. Ginawa pa nga itong pamagat ng isang lumang nobelang Pilipino na isinulat ni Ka Amado V. Hernandez noong panahon ng Batas Militar sa Pilipinas.

Public Domain Image

Samantala, isa ang Brazil sa mga bansang nagkaroon ng pinakamataas na kaso ng COVID-19.

Loading…