Mga Pinoy sa Singapore na matagal nang may work permit bibigyan ng libreng COVID-19 vaccine

Imahe mula sa India Times
  • Ikinatuwa ng mga Pinoy workers sa Singapore na libre silang mabibigyan ng COVID-19 vaccine
  • Libre para sa lahat ang COVID-19 vaccine sa Singapore subalit boluntaryo lang at hindi sapilitan
  • Hinihikayat ni Prime Minister Lee Hsieng Loong na magpabakuna ang lahat

Ikinatuwa ng mga overseas Filipino workers sa Singapore ang announcement na ginawa ng gobyerno ng Singapore na ang COVID-19 vaccine ay libreng ibibigay sa lahat ng mamamayan nito at maging sa mga migrant workers na matagal nang naroroon.

Imahe mula sa The Straits Times

Bibigyan ng unang prayoridad ang mga matatanda at health care workers at iba pang frontliners.

“Masaya ako sa pagluluwag ng restrictions, lalo na sa pag-a-allocate nila ng vaccines at uunahin ang  mga frontliners na kagaya ko pati mga elderly persons na in need ng mga vaccine na ‘yun,” masayang sabi ni Jhon Maurice Peñas, isang Pinoy nurse.

“Nagpapasalamat ako sa government ng Singapore na kahit ako ay isang foreigner na nagtatrabaho dito eh mabibigyan pa din ako at libre pa ‘yung ibibigay nila sa akin. Hindi lang siya exclusive sa mga citizens ng Singapore kundi sa mga katulad ko din na nagtatrabaho dito sa Singapore” sabi pa ni Peñas.

Ayon kay Prime Minister Lee Hsien Loong, inaasahan ng bansa na darating ang unang batch ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer BioNTech ngayong buwan ng Disyembre.

Hinihikayat ni Lee ang lahat na magpabakuna dahil hindi lang umano sarili ang maililigtas kundi maging ang ibang tao, lalo na ang mga mahal sa buhay.

Imahe mula sa The Straits Times

“We have decided to make vaccinations free for all Singaporeans and for all long-term residents who are currently here. I strongly encourage you to get vaccinated too, because when you get yourself vaccinated, you are not just protecting yourself, you are also doing your part to protect others, especially your loved ones,” anang Prime Minister.

Nilinaw ng Prime Minister na ang pagpapabakuna ay boluntaryo at hindi sapilitan.

Screenshot mula sa ABC video

Loading…