Mga scout rangers na hindi nakakasama ang pamilya tuwing Pasko binigyang-pugay

  • Kinalugdan ng mga netizens ang isang Facebook post hinggil sa mga sundalo
  • Tinitiis nila ang “call of duty” kahit na sila ay kumakain lamang ng sardinas sa noche buena habang nasa bundok, matiyak lamang na maayos ang mga silbilyan
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens

Isa sa mga itinuturing na mga makabagong bayani ang mga sundalo, na kung tutuusin ay mga frontliners, na maaaring nasasakripisyo ang pansariling buhay, para lamang sa kapakanan ng bayan. Tinitiis nila na mawalay sa kani-kanilang mga pamilya para lamang maipagtanggol at maprotektahan ang bayan mula sa mga tulisan.

Kaya naman, kinalugdan ng mga netizens ang post ng isang “scout ranger” na makikita sa Facebook page na “heneral Gregorio del Pilar.

Tinalakay rito ang karaniwang pinagdaraanan ng mga sundalong nasa tawag ng tungkulin kahit na araw ng Pasko. Kung ang karamihan ay namomroblema sa kanilang ihahanda sa noche buena, sila naman daw, kahit sardinas ay sapat na.

Imahe mula sa Facebook page na Heneral Gregorio del Pilar / Public Domain Image

“Isang Scout Ranger ULAM ay SARDINAS ngayong PASKO habang nasa bundok at nakikipaglaban sa mga kaaway,” saad sa unang talata ng FB post, na tila isang tula.

“Ito ang kanyang kuwento: Malamig na ang simoy ng hangin, palatandaan na pasko ay parating. Ngunit kami ay nasa bundok pa rin. Ito ang aming tungkulin: terorista aming sugpuin, upang noche buena ninyo’y maayos ninyong makain, nang walang takot at gulong darating.”

“Kami naman laging masaya, kahit sa bundok walang noche buena. Sapat na ang nakalatang isda, paminsan-minsan ay nakalatang baka. Gayon pa man masaya pa rin kaming magkakasama, kahit anong ulam basta si Buddy ang kasama. Maligayang pasko po!”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Saludo po ako sa inyong mga sundalo, pero sana magkaisa na lahat ng mga Pilipino,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Passionate and appreciative salute to you, sirs! God bless ang ingat, be with your families during break!”

Public Domain Image

“Salute to our modern heroes! Sana soon, may mga food jungle pack na mga sundalo natin. Hindi yung may kutsara pa na nilalagay sa baunan na parang mga batang nasa school lang po,” puna naman ng isa.

Maligayang Pasko sa ating mga makabagong bayaning sundalong Pilipino! Mag-iingat po kayo!

Source :

Facebook

Loading…