Mga siklista exempted sa obligadong pagsusuot ng face shield sa Pasig City

Imahe mula sa Cycling Matters
  • Mga nagbibisikleta sa Pasig City hindi na kailangang magsuot ng face shield
  • Sinabi ng Pasig City Transport Development and Management Office na batay sa mga ebidensya, ang pagsusuot ng face shield habang nagbibisikleta ay mapanganib
  • Nauna na ring sinabi ng DOH na dapat may exemptions sa mandatory wearing of face shield rule ng IATF

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Pasig City nitong Sabado, December 19, na ang mga taong nagbibisikleta sa loob ng siyudad ay hindi na kailangan pang magsuot ng face shield sa ibabaw ng kanilang face mask para maiwasan ang anumang potensyal na panganib.

Imahe mula sa Philstarlife

Batay raw sa mga ebidensya at sa konsultasyon sa mga siklista, ang pagsusuot ng face shield habang nagbibisikleta ay lubhang mapanganib.

“Evidence shows and consultation among bikers reveal that biking while wearing a face shield is dangerous. Wearing a face shield obstructs view and makes breathing difficult. Meanwhile, biking naturally isolates riders from other commuters,” post ng Pasig City Transport Development and Management Office sa social media.

Kailan lang ay ipinag-utos ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa publiko ang obligadong pagsusuot ng  face shield sa lahat ng pampublikong lugar, ngunit naglabas ng pahayag ang Department of Health (DOH) na hindi nito inirerekomenda para sa lahat ang pagsusuot nito, lalo na sa mga taong may partikular na health conditions.

Imahe mula sa Pasig City government

Isang grupo ng mga siklista ang nagpahayag rin ng agam-agam sa kautusan ng IATF.

“We have not found data suggesting that the use of face shields while riding a bike is an effective method of curbing transmission. But there are plenty of reasons why using face shields while cycling poses significant challenges to riding safely. Some face shields are also potentially dangerous in the event of a crash, as the materials used are not designed for active wear and actually cause injury,” sabi ng grupong Cycling matters.

Dahil dito ay naglabas ng bagong resolusyon ang IATF at inatasan ang DOH at iba pang ahensya na gumawa ng isang advisory hinggil sa tamang pagsusuot ng face mask at kung sinu-sino ang dapat exempted sa patakaran.

Screenshot mula sa Inquirer video

Loading…