Mini shelter para sa mga stray dogs ng isang concerned citizen sa Davao City kinaaliwan

  • Good vibes ang hatid ng larawan ng mini shelter sa tapat ng isang bahay sa Davao City
  • Para umano ito sa mga stray dogs o mga asong pagala-gala sa kalsada at walang nag-aalaga
  • Sa loob nito ay may libreng pagkain din para sa kanila

Isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao ang maayos at komportableng panahanan o matutuluyan. Hindi lamang ito aplikable sa mga tao kundi maging sa mga hayop, lalo na ang mga stray dogs. Nakalulungkot makakita ng mga asong pagala-gala sa kalsada, nagkakalkal ng basura, at tila walang kumukupkop sa kanila.

Kaya naman, kinalugdan ng mga netizens ang isang larawan na ibinahagi sa Facebook post ni “Dranreb Pascual” na nagpapakita ng isang cute na mini shelter para sa mga stray dogs, sa harap ng isang malaking bahay sa Doña Manuella, Toril, Davao City on Saturday.

Imahe mula sa Facebook account ni Dranreb Pascual

Kuwento niya, kapag nagja-jogging siya ay madalas niyang napapansin ang naturang mini shelter. Dala ng kuryosidad, sinilip niya kung ano ang nasa loob nito nang minsang mapadaan ulit siya. Nasurpresa siya na pawang mga stray dogs pala ang naroon.

“I have my daily jog po kasi and nakikita ko ‘yon every day. Out of nowhere lang na curious ako that time so sinilip ko and to my surprise may mga dogs na natutulog pala and food sa gilid. Hindi ko in-expect na mga stray dogs ang nasa loob po,” aniya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaskyon at komento mula sa mga netizens.

“Wow! Nakakatuwa naman na may mga tao pa ring iniisip ang kapakanan ng mga pet dogs nating sadly ay napapabayaan sa kalsada. Good job po!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Nakaka-good vibes na may mga taong may compassion pa rin talaga. Sa kabila ng mga naririnig, nababasa, at napapanood nating mga balita, may pag-asa pa rin ang humanity.

“Yes, mga nilalang din silang may karapatang magkaroon ng maayos at komportableng habitat,” wika naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Dranreb Pascual

Nakagagalak isiping may mga tao pa palang nagmamalasakit sa mga stray dogs, na kahit hindi naman nila alaga, ay pinagmamalasakitan pa ring mabigyan ng matutuluyan at makakain.

Loading…