Pakyawers, MusiCHAELs pinasalamatan ni Michael; kanta sa Spotify higit 1M na ang streams

Image by Michael Pacquiao via Instagram
  • Mga kanta ni Michael Pacquiao sa Spotify, mayroon nang higit 1-million streams sa Spotify
  • Nagpasalamat siya sa mga MusiCHAELs, Pakyawers at iba pang tagasuporta
  • Sa naunang panayam, nasabi niyang gusto niyang patunayan ang sarili nang hindi nagdedepende sa mga magulang

Walang patid ang suporta ng mga tagahanga sapagkat napakahusay naman talaga ang mga mga kanta ng anak ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Michael, lalo na ang Hate at Pac-man. Patuloy itong pinapatugtog sa mga tahanan, radio shows, events at iba pa. Kaya naman, nagpapasalamat ang trending singer sa mga tagahanga.

Image by Michael Pacquiao via Instagram

“First of all, I thank God for everything he has given me,” ang pambungad sa mensahe ni Michael sa Instagram.

Kalakip nito ang image capture mula Spotify na nagsasaad na nakalikom na ng 1.3-million streams, 57.2-thousand hours, 300.5-thousand listeners sa 83 countries ang kanyang mga kanta.

Pagpapatuloy nito, “I thank you to all of my fans across the world, despite all the stress this year, you guys made my 2020 very interesting and fun. Shoutout to MusiCHAELs and Pakyawers and everyone else. Looking forward for more next year LEZGGEETTITTTT HAHAHAHAHAHA!??”

Nakilala ang mga kanta ng batang Pacquiao makaraan ang music collaboration nila ng kaibigang si Michael Bars noong Hulyo. Nakatakda siyang mag-release ng debut album na papangalanang Dreams.

Michael Pacquiao sa pagsisimula ng music career: I want to prove that I can, I don’t just rely on my parents

Sa naunang panayam ng PEP ay nasabi ng ikalawang anak ni Sen. Manny na nais niyang gumawa ng sariling pangalan at kilalanin sa larangan ng musika, ito’y para maipakitang mayroon din siyang kayang mapatunayan nang hindi nagdedepende sa mga magulang.

Imahe ni Michael Pacquiao mula sa Wish 107.5/inset mula sa Inquirer

Aniya, “People would say it has to do with my last name. But you know, I understand naman but at the same time, it’s like, I work hard to achieve what I am.”

Pahayag pa niya, “I want to work hard as well because my dad worked hard for everything he has and also for us. And I want to do the same – work hard for everything that I will have, that I want to have, and give back to my mom and dad because they did so much.”

Image by Michael Pacquiao via Instagram

Loading…